Bitoy tinamaan din noon kay Dawn
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 4, 2019 - 12:00am

Isa pala talaga sa top choices ng mga produ­cers ng Family History, ang GMA Pictures at Mic Test Entertainment, si Dawn Zulueta para maging leading lady ni Michael V. sa movie ayon mismo sa kanya. “Siya talaga ang nasa isip ko nang gawin ko ang story at script ng movie, marketing wise, role wise. Saka first time namin itong magtatambal ni Dawn kahit matagal na rin kaming magkakilala.”

Natawa si Bitoy kung hindi ba siya nagka-crush kay Dawn noong araw, wala raw namang hindi nagkaka-crush kay Dawn dahil talagang beauty na ito noon hanggang sa ngayon.

Ayaw pa rin ni Direk Bitoy ikuwento kung ano ang story ng Family History.

“Basta ang last shooting day namin, doon din lamang malalaman ng buong cast ang story namin. Hindi ito basta isang dramedy movie lamang, narito lahat ang elements ng isang movie na gusto naming maipakita sa audience. Hindi namin kayo bibiguin.”

Marian nag-promote ng ginawa nina Jerald at Kiray

Suportado ni Kapuso Primetime Queen Ma­rian Rivera ang first team-up ng mga kaibigang sina Jerald Napoles at Kiray Celis ng episode sa Magpakailanman tonight na From Poser to Forever. Personal siyang nag-post sa kanyang Instagram story ng poster ng episode na idinirek pa ng paborito niyang director na si LA Madridejos, ang director niya noon sa Super Ma’am.

Parehong ibang picture ang inilabas sa social media nina Jerald at Kiray kaya parehong disappointed sila nang personal silang magkakilala, pero true love wins.

Mapapanood ang Magpailanman tonight pagkatapos ng Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza sa GMA 7.

Maraming singers suportado ang People’s Advocacy

Fourteen Pinoy singers and groups ang sumagot sa panawagan ng love and hope para sa Pilipinas, ngayong papalapit na ang election at nakagawa sila ng isang awitin, ang Sana Naman, Taumbayan, isang komposisyon ng hitmaker na si Louie Ocampo at sinulat naman ang lyrics ng singer-songwriter na si Joey Ayala. Ang awitin ay produced ng award-winning radio broadcaster na si Noel Ferrer at ni Moy Ortiz ng The Company.

Nagpasalamat si Louie Ocampo ngayong released na ang song lalo na at ilang araw na lamang ay election day na. Pinasalamatan din niya ang mga nagbigay ng oras at effort nila para tugunan ang panawagan for free, honest, orderly at peaceful elections... na boboto tayo para sa taumbayan.

Ang Sana Naman, Taumbayan ay hindi political song, hindi rin kontrobersyal ang lyrics nito, pwedeng kantahin kahit sa simbahan. Kung sino man ang gustong gamitin ito sa kampanya nila, hindi na kailangang kumuha ng rights, wala kayong royalty na babayaran. Kung gusto ninyong magkaroon ng copy, e-mail lamang ninyo si ortiz.moy@gmail.comor i-message ang GoodNewsPilipinas.com

Ang `14 singers na ibinigay ang talents nila for the people’s advocacy ay sina National Artist for Music Ryan Cayabyab, Jamie Rivera, Jed Madela, Robert Sena, Isay Alvarez-Sena, Maysh Baay of Moonstar88, Myke Salomon, Reuben Laurente, Jay Durias, Mitch Valdes, Mass Appeal Choir, The Company, Agot Isidro, Bayang Barrios.

Pakiusap lamang nila, kung napanood at napakinggan na ninyo ang kanta, paki-share na lamang ninyo, para mas maraming makaalam at makarinig nito.

DAWN ZULUETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with