Yasmien Kurdi
Hiram na anak, babu na!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - May 3, 2019 - 12:00am

True na malapit nang matapos ang Hiram Na Anak, ang morning teleserye ng GMA 7 na starring sina Yasmien Kurdi, Dion Ignacio, Lauren Young at Paolo Contis dahil naibigay na sa televiewers ang kabuuan ng kuwento.

Hindi ang GMA 7 ang tipo ng television network na pahahabain pa ang story ng teleserye dahil sinasamantala nila ang mataas na ratings. Basta naibigay na ang buong buod ng teleserye, tinatapos na nila at pinapalitan ng bagong programa na pupukaw sa interes ng manonood.

Alfred kumpleto ang attendance

Sagad ngayon ang kampanya ni Alfred Vargas dahil tumatakbo rin na councilor ng Quezon City ang kanyang kapatid na si PM na kapartido ni Mikey Belmonte.

Hindi mailalayo sa public service ang Vargas brothers dahil limang presidente ang pinaglingkuran noon ng kanilang mother na si Atty. Ching Vargas kaya mga bata pa lang,  sanay na sanay na sina Alfred at PM sa mundo ng politics.

Successful ang unang dalawang term ni Alfred bilang congressman ng 5th District ng Quezon City dahil marami ang mga batas na naisulong niya.

Isa rin si Alfred sa mga house representative na kumpleto ang attendance bilang priority niya talaga ang paglilingkod sa kapwa kaya hindi muna siya tumanggap ng movie at television assignments.

Isa si Alfred sa mga nakilala ko na may focus. Basta may ginusto siya na gawin, sure ako na magagawa niya.

Family is family…

Winner ang pagiging buena mano ni Kris Aquino sa pagbibigay sa akin ng birthday gift dahil unang araw pa lang ng Mayo, may bonggang regalo rin ang BFF ko na si Marivic Larrazabal.

Kaloka dahil kung binigyan ng Christian Louboutin bag si Heart Evangelista, ayaw patalo ng BFF ko na give din ako ng CL bag na Manila at siyempre, may special gift pa mula sa mga mahal ni Mama Marivic.

Na-gauge ko sa mga big boss ang mga tao sa paligid nila. Kapag nakita ko with love ang ibinibigay nila na service sa boss, alam natin na naging mabait at family ang turing sa mga tao na nasa paligid niya.

Sure ako, mabait sina Makati City Mayor Abby Binay at former Vice President Jojo Binay dahil nakita ko how Marivic speak so highly of them.

Mukhang member ng Binay family si Marivic when she speaks about Abby.

Siguro broken- hearted si  former VP Jojo sa nangyayari between sa mga anak niya pero every family, may mga problema sa kanilang mga anak.

Masyado lang talaga ang attention na ibini­bigay sa magkapatid na Abby at Junjun dahil nga sa pulitika pero at the end of the day,  ang pagi­ging magkadugo pa rin nila ang magtatapos sa kanilang mga problema.

Hindi maiiwasan na parang authority si Abby dahil siya ang ate at hindi rin masisisi na parang spoiled brat si Junjun dahil bata siya pero ang sure na tinatamaan, ang father nila na actually, siya ang nag-start ng pagbabago sa Makati.

We wish na gaya ng respeto at pagmamahal ni Marivic Larrazabal sa mga Binay, madama rin ng taga-Makati ang sincere na pagmamahal ng mga Binay sa taga-Makati.

At sana rin, dahil tatay siya, huwag magsawa si VP Jojo sa pagbibigay ng mga pangaral at patnubay sa kanyang mga anak.

Family is family at ang mga Binay, mananatili na ilaw at poste sa Makati.

YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with