Kathryn Bernardo at Alden Richards
Alden at Kathryn nakaraos na sa shooting sa HK!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - May 3, 2019 - 12:00am

Pabalik na ng Pilipinas ang mga bida ng Hello, Love, Goodbye ang first movie team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards for Star Cinema dahil tapos na ang shooting nila sa Hong Kong bilang mga OFWs na nagtatrabaho roon.

Bago natapos ang shooting, nakita sa video na hinayaan ni Direk Cathy Garcia-Molina na matupad ang wish ng fans na makapagpa-sign ng autograph kina Alden at Kath, may nagpapirma sa cellphone, sa mga suot nilang t-shirts, sa mga books nina Alden at Maine (Mendoza), magazines, na dahil mga Team Abroad nga sila ay ngayon lamang may chance na makahingi ng autographs ng mga paborito nilang artista.

May mga naka-post na ring fan-made videos ng movie, ang isa ay titled That’s My KathDen at ang napansin namin, ang mga eksena ay kinuha sa mga movies nina Kathryn at Daniel Padilla, at mga scenes naman ng Imagine You & Me at McDo TVC nina Alden at Maine, pero wala pang scenes ng Hello, Love, Goodbye.

In fairness sa gumawa ng video, iisipin mong sina Alden at Kath ang nagsasagutan sa eksena, mahusay ang editing niya. May last words pang “We all started as stranger, but we all end as stranger” – Hello, Love, Goodbye.  Kaya ang tanong pa rin, malungkot ba ang finale ng movie na sinulat ni Carmi Raymundo?

Rita bumait na

Nakausap namin si Rita Avila noong isang araw sa lobby ng GMA Network at biro namin, “kumusta ang napakataray na biyenan ni Miren (Yasmien Kurdi) ng Hiram na Anak” ang morning teleserye na nagtatampok din kina Dion Ignacio, Paolo Contis, Lauren Young at ng child actress na si Leanne Bautista, sa direksyon ni Gil Tejada. Nakilala si Rita bilang ang mataray na nanay ni Dion sa story, ayaw niya kay Yasmien dahil ayaw niyang may ibang babaeng mamahalin ang anak.

“Bumait na ako,” natatawang sagot ni Rita. “At finale na namin sa Friday (May 3).  Salamat sa mga sumubaybay sa amin.”

Yes, ngayong umaga na nga ang grand finale ng Hiram na Anak bale 10 weeks lamang sila, na ganoon lamang ang itinatagal ng morning teleserye ng GMA-7, bago ang Eat Bulaga. Pero bindi nag-preempt si Rita kung paano magwawakas ang story, sad ba o happy ending dahil mabubuo na ang pamilya nina Dion, Yasmien at Leanne?

Isang Korean romantic-comedy series ang ipapalit sa Hiram na Anak simula sa Monday, May 6, 11:30 am.

John Lloyd malapit na ang pagbabalik?!

Totoo kaya ang balitang babalik na sa ABS-CBN si John Lloyd Cruz once na umalis na si Piolo Pascual sa Home Sweetie Home na dating romantic-comedy series na pinagtambalan nina John Lloyd at Toni Gonzaga? pero nang umalis si John Lloyd ay pinalitan na siya ni Piolo Pascual. Gusto naman ni Piolo na mag-aral sa London tungkol sa movie production kaya gusto na rin niyang iwanan ang HSH. Mas gusto ni Piolo ngayon ay sa production side na lamang siya, ayaw na muna niya ng acting, kaya ayaw na rin muna niyang gumawa ng teleserye.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with