Marian Rivera
Marian haharapin na uli ang trabaho!
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Philstar.com) - May 1, 2019 - 12:00am

Wait and see lang muna si Marian Rivera sa katanungan sa Facebook live sa first live interview niya sa Sunday PinaSaya last Sunday.

“Hihinga muna ako ulit kasi parehas makulit eh. Itong dalawa (Zia at Ziggy) eh medyo mai­ngay na sa bahay,” pahayag ni Yan bilang tugon sa katanungan sa FB.

Desisyon nila ni Dong na pangalanang Jose ang baby boy. Rason daw ng asawa, “Lahat daw ng Jose ay guwapo.” Jose Sixto Dantes III si Dong at the IV naman si Baby Ziggy.

Sinamantala na rin ng GMA Primetime Queen na pasalamatan ang lahat ng nagdasal sa safe delivery ng second baby nila.

Wala pang tiyak kung kelan magsisimulang mag-taping ng soap si Marian after ng huli niyang Super Ma’am. Ang dinig namin, nakaplano rin sila ni Dingdong na gumawa ng pelikula, huh!

Naku, baka matagalan bago masundan si Ziggy dahil sa mga trabahong kailangan nang gawin ni Marian!

Maledicto tuloy ang showing!

Tuloy ang showing ng Maledicto na pinabibidahan nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis Smith. Nabalita na kasi na mula sa original na playdate na May 1, ginawa nang May 8 ang opening day ng Fox produced film.

Mainit pa rin daw kasi sa publiko ang Avengers: Endgame mania na ngayong araw pa lang ang second week. Baka nga naman hindi mabigyan ng magandang sinehan ang Maledicto kung sa orig na playdate ito ilalabas. Pero itinuloy nila ang showing.

Unang umatras sa May 1 playdate ang Sons of Nanay Sabel ni AiAi de las Alas.

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with