Gary Valenciano
Gary parang hindi naoperahan nang mag-concert sa Amerika
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 30, 2019 - 12:00am

All smiles si Anna Puno, head ng StarMedia Entertainment, at promoter ng Gary B. He’s Back US concert tour. Successful daw ang lahat ng shows nila sa Amerika!

Noong Sunday ang last show nila sa Morongo Resort and Casino na sold out na naman.

Hanga nga si Anna sa sobrang energy ni Gary Valenciano.

Nakakabilib daw si Gary dahil after two major surgeries, nakakapag-perform pa rin siya na katulad noong mas bata pa siya.

Bilib din si Anna sa pagiging professional at galing makisama ni Gary. Kaya mukhang marami pang out of the country shows silang pagsasamahan!

MJ naglalamyerda sa Bali

Si MJ Lastimosa sa Bali, Indonesia

Nang makausap ko kahapon ang beauty queen turned actress, sinabi niyang bakasyon ang ipinunta niya roon.

Sumner ngayon, kaya naisipan niyang mag-Bali.

Hindi ko na inusisa kung may special someone ba siyang kasama roon. Basta enjoy raw siya sa kanyang bakasyon.

Ay, sayang hindi ko natanong si MJ kung nakita ba niya roon si John Lloyd Cruz na kasama si Ellen Adarna at ang kanilang anak na nagbabakasyon din doon.

Pops magiging busy sa concert nila ni Martin

Ngayon ang dating ni Pops Fernandez mula sa pagbabakasyon sa Portugal.

Enjoy raw siya roon. Ngayon ay paghahandaan na ni Pops ang US concert tour nila ng ex-husband na si Martin Nievera.

Paano na kaya ang showing ng Feelinials movie nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani na isa siya sa producers?

Gwen at David, planong pakasal!

Ang pictorial kahapon ni Gwen Zamora at David Semerad sa studio ng Nice Print.

Six months na kahapon ang ipinagbubuntis ni Gwen.

Excited na ang PBA player na magiging tatay na siya.

Sa May 10 ay may gender reveals party sila sa isang hotel sa Quezon City. Gender lang kaya ng babay nila ang ia-announce nila sa gabing ‘yon o may balak na rin silang mag-announce ng tungkol sa kasal?

Well... How exciting!

‘Yun na!

GARY VALENCIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with