Bianca Umali
Matapos magka-award Bianca nangakong huhusayan pa!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 30, 2019 - 12:00am

Congratulations kay Sahaya star Bianca Umali, sa pagtanggap niya ng German Moreno Youth Achievement Award mula sa 67th FAMAS Awards (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards) last Sunday evening, na ginanap sa Me­ralco Theater.

“Maraming salamat po, FAMAS, sa parangal na ito. Tulad po ng sabi ko, isa pong karangalan ang mapansin at mabigyan ng parangal. Ang mga bagay po na tulad nito ay isa sa mga nagsisilbing inspirasyon sa mga katulad ko pong nangangarap, na ipagpatuloy na husayan po dito sa ating industriya. Maraming salamat po, Panginoon!

“Sa aking network, GMA 7, sa lahat po ng mga sumusuporta at nagmamahal sa akin, sa aking pamilya, most especially sa aking lola, Mama, DAHIL at PARA sa inyo ito. Napakasarap po sa puso.  Muli, maraming-maraming salamat po!” sabi ni Bianca.

Ang German Moreno Youth Achievement Award ay ibinibigay ng yumaong German Moreno noon pa bilang pagkilala niya sa mga achievement  na natatanggap ng mga young star, at ngayon ay ipinagpapatuloy ng anak niyang si Federico Moreno.

Inah hindi nanghingi ng tips kay Janice

Si Inah de Belen ay anak ni Janice de Belen na kilala naman sa horror movie na Anak ni Janice. Ngayong may horror movie si Inah na Maledicto, tinanong siya kung humingi raw siya ng tips sa mommy niya para magampanan niya nang maayos ang role niya bilang si Mara, ang kapatid ni Fr. Xavi, played by Tom Rodriguez. Mara met a tragic death at iyon ang tinutuklas nina Fr. Xavi at ng madreng si Sister Barbie (played by Jasmine Curtis Smith), sa pamamagitan ni Agnes played by Miles Ocampo na nakitang may demonic behavior at naapektuhan nito ang simbahan.

“Hindi po ako humingi ng tips kay mommy,” sagot ni Inah.  “Pinanood ko po lamang ang movie niya and from there, kumuha na ako ng pwede kong gawin sa Maledicto. Gusto ko matutunan ko ang acting sa sarili ko lang.  And thankful po naman ako, kasi pasado naman sa mga director ko ang mga ginagawa ko.”

Produced by Fox Philippines, Cignal Entertainment and United Picture, directed by Mark Meily, premiere showing na ng Maledicto sa Wednesday, May 1, in cinemas nationwide.

Alden at Kathryn dinagsa ng mga OFW sa HK

Muli na namang nabulabog ang Central sa Hong Kong last Sunday, April 28, dahil pagdating pa lamang from the Philippines nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, Lovely Abella, Joross Gamboa, Kakai Bautista at Jef Tam, from the airport, diretso na sila sa location.

Sunday ang day-off ng mga OFWs doon kaya talagang naiipon silang lahat doon, mula umaga hanggang 5:00 pm, bago sila bumalik sa kanilang mga amo.

Kinailangan ni Direk Cathy Garcia-Molina na gumamit ng megaphone para marinig ng fans and onlookers ang instructions niya para sila makapag-shooting. Ilang araw pa silang magsu-shooting sa Hong Kong bago bumalik ng Pilipinas. Ilang shooting days pa sila roon bago tuluyang matapos ang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with