Kris
Kris gusto nang tapusin ang awayan at demandahan nila ng dating manager na si Nicko Falcis
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 28, 2019 - 12:00am

Matapos ma-dismiss ang kasong 2 counts of grave threats na isinampa ng magkapatid na Nicko and Jesus Falcis kay Kris Aquino, nag-offer na ng pakikipag-ayos ang social media influencer at ipinahayag niya ito sa kanyang Instagram account.

Nag-comment kasi si Nicko sa announcement post ni Kris ng pagkaka-dismiss ng kaso last Friday. Aniya,  “Our family continues to pray for peace and justice. We both told our truths as the cases get dismissed one after the other since we both want to protect our families.”

Siyempre, sinagot ito ni Kris.

“Hello nicko. To clarify, 2 of my cases got dismissed. 1 prevailed and i withdrew 2. But yung case nyo against me na dismiss, and the cyberlibel case against your brother tuloy.

“I am still the weird me who is now giggling after reading “pray” sa comment mo- because i remember clearly- we were at a healing Mass in Greenbelt and nahagip sa video that you were seated texting while i stood solemnly & napansin ng mom mo hindi ka nakiki-pray because kinandong mo yung yellow birkin ko.

“Enough time for me has passed that the anger has faded. BUT i hope you realize that the boy who celebrated his birthday last week thought the world of you, and he’s been through enough hell... And yet despite your mom being a doctor-nag TRIP kayo sa mga karamdaman ko... the whole of IG can read this, kayo naman ang hindi sumipot sa mediation,” ang bahagi ng sagot ni Kris.

At this point ay nag-offer na si Kris ng pakiki­pag-ayos.

“So i am making this offer, we can meet at a neutral location with your lawyers & mine. We can talk like civilized indivi­duals- let’s not involve our siblings. And who knows, maybe God wants peace for us all. Alvin’s numbers remain the same. Madali syang ma contact kung gusto mong matapos na ‘to,” pahayag ni Kris.

Hindi na sumagot pa si Nicko.

Sharon hindi pumatol sa bad spirit!

Ikinuwento ni Sharon Cu­neta ang kakaibang karanasan habang ginagawa niya ang horror film na Kuwaresma.

“Ang nahalata ko lang, meron akong isang eksena, siyempre, may evil forces obviously, sa eksena. Hindi ako buma-buckle, eh. Bihira ako mag-buckle. Ito pang parang hindi naman kahirapan ‘yung dialogue, nagba-buckle ako,” kuwento ni Megastar nang makatsikahan namin sa mediacon ng Kuwaresma.

Fan si Shawie ng horror films at talagang halos lahat ng mga horror movies ay napanood na niya. Pati nga raw ang behind the scenes at documentaries sa YouTube ay pinapanood niya.

Kaya naman knows niya rin na kapag gumawa ka ng horror film, minsan ay nagpaparamdam din sa mga artistang gumaganap ang bad spirits.

Sey ni Shawie, kaya raw kinu-curse ang set ng horror movie ay dahil ayaw ng demonyo na pinag-uusapan siya,

“Kasi gusto niyang bolahin ang tao. His biggest lie is that he doesn’t exist para maraming magkasala, So, pag mayroong ganito, ayaw niya ‘yan,” sabi ni Shawie.

“So ako, ‘yun ang inaano ko, may proteksyon lahat, ayoko ng may aksidente. Kasi ‘yung mga interviews ng mga napapanood ko, la­ging merong… parang sinusundan sila ng kung anu-ano, malas ganu’n,” dagdag niya.

Ayon kay Sharon, bagama’t Christian na raw siya ngayon (she was raised Catholic and 1987 daw siya naging Christian), siyempre, iisa naman daw ang ating Diyos at pare-pareho naman daw tayong naniniwala kay God.

“So, nagdala ako for everybody on the set ng cross and St. Benedict and St. Michael The Archangel, pinamigay ko sa kanila kasi, maraming Katoliko na kasama.

“Pero ako, basta magdadasal kami. Me and ‘yung team ko, ‘yung aking talagang make-up artist, assistant, bago mag-shoot, everyday ‘yan, nagdadasal kami for protection,” saad ni Sharon.

 

KRIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with