^

Pang Movies

Mataas na ratings ng serye nina Gabby at Jennylyn, hindi kapani-paniwala?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Mataas na ratings ng serye nina Gabby at Jennylyn, hindi kapani-paniwala?!
Gab & Jen

Hindi namin pinansin iyong sinasabi na ang serye raw ni Gabby Concepcion kasama si Jennlyn Mercado ay inilampaso raw sa ratings ang kalabang serye.

May factors na kailangang isipin, una ang sinasabi nilang batayan ng survey ay isang kumpanyang alam naman natin na bias sa simula pa lamang. Hindi na kailangang ipagtanong iyan, at kung ikaw naman ang survey company at iisa lang ang iyong kliyente, natural papaboran mo na iyon.

Ikalawa, dapat din naman nating pag-isipan, ano ba ang pinagmulan ng serye ni Gabby Concepcion, eh maliit na serye lang naman ang sinundan na ang mga artista ay sina Kylie Padilla at Ruru Madrid. Iyon bang ganoong serye ay masasabi mong panlaban? Hindi naman eh. Kaya nga maikli lang ang seryeng iyon, maliliit lang ang artista, dahil mukha talagang kailangan lang muna nila ng material para sa nasabing time slot habang inihahanda pa nila ang mas malaking project.

In the meantime na naglalabas sila ng mahinang material, natural mas lumalakas naman ang kanilang kalaban at expected iyon na matagal din bago mo maasahang lumipat sa iyo ang audience. Pero palagay namin sa ngayon, may advantage na nga sila dahil si Gabby Concepcion ang bida nila. Ikumpara ba naman sa sinundan?

Hindi natin makikita ang totoong bakbakan ng dalawang shows na iyan kung ‘di makalipas ang isang buwan siguro.

Oras na tumatakbo na ang talagang kuwento ng serye ni Gabby, at saka natin dapat sukatin kung ano nga ba ang chances niya laban sa katapat nila.

Hindi mo rin naman masasabing si Gabby lang. Malakas din namang leading lady, si Jennelyn Mercado, at sa totoo lang mas magaling na siyang umarte sa ngayon.

Ogie umurong din kay Ben!

Akala naman namin talagang lalaban na si Ogie Alcasid nang sabihan niya si Ben Tulfo na “ako ang harapin mo. Huwag ang asawa ko dahil babae iyan”. May akusasyon pa siyang nabastos ang kanyang asawa sa sinabi ni Tulfo.

Pero mabilis na sumagot din si Tulfo na nagsabing “may respeto ako sa asawa mo bilang singer, pero mas pagbutihin na lang niya ang pagkanta niya kaysa sa nakikialam siya sa mga eksperto at tao ng gobyerno sa mga bagay na hindi niya naiintindihan”.

Umurong din si Ogie pagkatapos at sinabi pang “nirerespeto ko ang opinion mo. God bless”.

Nagsimula lang naman kasi iyan nang biglang pumutak si Regine Velasquez nang birit na birit laban kay Teddy Boy Locsin ng DFA, na sinasabi niyang “akala ko matalino ka”. At iyon ay dahil sa Chinese vessel na nangunguha raw ng tulya sa West Philippine Sea. Pero wala ring nangyari.

Female starlet hindi madepensahan ang video scandal!

Hindi naman daw totoo iyong sinasabing sex video ng isang female starlet, “look alike lang daw”. Pero bakit hindi niya madepensahan ang kanyang sarili? Bakit ayaw niyang magpa-interview para ipamukha sa mga tao na hindi siya iyong nakita sa video na naglalaro ng kanyang dibdib? Bakit hindi ilabas ang mga picture niya mga two o three years ago at ikumpara sa babae sa video. Iyon sana ang pinakamadaling paraan para mapasinungalingan ang sinasabing may sex video siya.

Kung ganyang puro denial lang, marami na ring gumawa niyan noong araw.

JENNYLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with