^

Pang Movies

Holy Week specials iniyakan

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Holy Week specials iniyakan

Sobrang nag-enjoy ako sa mga palabas sa telebisyon last Semana Santa. Wala kang itulak kabigin sa ABS-CBN at GMA 7.

Tatamaan ka at sasalingin ang iyong puso kapag naramdaman mo ang takbo ng story ng Holy Week special ng Eat Bulaga. At wala ka ring itulak-kabigin sa mga artistang gumanap tulad nina Wally Bayola, Jose Manalo at Bossing Vic Sotto, pero nagdadrama sila.

Ipinakita ni Alden Richards ang talent niya sa pag-arte at hindi mo maaaalala ang kanyang cute dimples na inakala natin noong una na kanyang asset sa pag-aartista.

Iniyakan ko yung eksena ng sanggol na dala-dala niya, yun pala siya si Baby Jesus, ang munting Santo Niño. May sakit ako that time, nagdasal ako sa batang karga ni Alden. Miracle! Nawala ang sakit ng aking legs at tuhod.

Iniyakan ko rin si Benjamin Albes sa Stories for the Soul. Maltreated son ang role ni Benjamin sa story at iniwan siya sa kandili ng kanyang ama na ginagampanan ni Toby Alejar.

Naging api-apihan ng tatlong kapatid na lalaki at ng kanilang ina si Benjamin pero naging doktor ito. Pinalayas siya ng madrasta at isang rich woman ang nagpaaral sa kanya. Hay naku! Ang ganda ng story, galing umarte ni Benjamin.

God is forever…

Hindi napuruhan ng lindol ang Sta. Rosa, Laguna. Pero pahapyaw naming nadama. Nang mangyari ang lindol sa Central Luzon ay nanonood ako ng TV, nakaupo ako sa paborito kong upuan with kutson. Nagulat ako dahil umikot ang aking inuupuan at nahihilo ako. Natural nagsisigaw ako. Sandali lang naman pero nakakahilo.

Anyway, let us pray, God is calling us! Huwag tayong makakalimot! Siya ang forever ng sankatauhan!

vuukle comment

WALLY BAYOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with