Paolo hands on daddy
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 27, 2019 - 12:00am

Si Paolo Contis ang isang artista na hindi tumatanggi kahit anong role ang ibigay sa kanya.

Madalas kontrabida ang ginagampanan niya, tulad ng napakasamang role niya ngayon sa Hiram Na Anak na wala siyang takot pumatay ng mga kalabang pipigil sa kanya para makuha ang perang hindi naman kanya.

“Pero ang saya ko and thankful nang i-cast ako sa upcoming film ng GMA Pictures at Mic Test Entertainment, Inc., na producer naman ang mag-asawang Michael V at Carol Bunagan, ang Family History,” sabi ni Paolo.  “I will play the role of Rommel, ang supportive at bestfriend ni Michael V.

“Nakita ko na very organized yung buong team. Kinausap muna kaming lahat ni Bitoy bago mag-start ang shooting para ipaliwanag ang buong pelikula na siya rin ang sumulat at magdidirek.  Parang hindi siya first time director. Sa dami ng nakakatrabaho niya and very close to him, masaya ako na I was handpicked to be his bestfriend sa movie. Very inspired ako na mas pagandahin pa yung character, I’m very thankful.”

Makakasama rin ni Paolo sa movie ang leading lady ni Bitoy, si Dawn Zulueta at ang magka-love team na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix at marami pang iba. Malapit na itong mapanood in cinemas nationwide.

Samantala, hands on daddy rin si Paolo sa baby girl nila ni LJ Reyes na si Summer. Bago raw siya pumunta sa work, madalas ay nagsu-swimming sila.

Every Monday rin ay nagti-taping si Paolo ng long-running gag show na Bubble Gang na magkasama rin sila ni Bitoy.

Kathryn babalik agad sa HK

 Si Kathryn Bernardo naman ang nanorpresa sa birthday boy, ang boyfriend na si Daniel Padilla nang duma­ting siya evening of April 25.  Kahapon, April 26, ang 24th birthday ni Daniel. Pero babalik na rin si Kathryn tomorrow, April 28, para ituloy ang shooting nila ni Alden Richards ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong, under Direk Cathy Garcia-Molina for Star Cinema.

Jennylyn at Gabby patok

Thankful ang cast ng romantic-comedy series na Love You Two nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion dahil nakakuha sila ng mataas na rating noong world premiere nila last April 22, hanggang sa mga sumunod na gabi, kaya naman gustong magpasalamat nang personal ang kinikilalang romcom Queen na si Jennylyn, sa pamamagitan ng GMA Regional TV show sa Vista Mall Iloilo City mamayang 4:00 pm.

Tomorrow, Sunday, April 28, sina Barbie Forteza, Mika dela Cruz, Jak Roberto, Paul Salas, Mike Tan, Liezel Lopez ng Kara Mia, kasama ang JBK The Millennial Trio, sina Joshua, Bryan at Kim ang magpapasalamat sa mga fans sa StarMall San Jose Del Monte, Bulacan at 4:00 p.m.

PAOLO CONTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with