^

Pang Movies

5 tagalog films bibida sa Italy

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Magandang balita na bibida ang limang pelikulang Pilipino sa ika-21 na Far East Film Festival (FEFF) na gaganapin sa Udine, Italy mula Abril 26 hanggang Mayo 4, 2019 sa kasagsagan ng tagumpay ng Avengers : Endgame.

Kasama sa Filipino films na nasa Competition Section ang  Hintayan ng Langit (Heaven’s Waiting) ni Dan Villegas, Miss Granny ni Bb. Joyce Bernal, Eerie ni Mikhail Red, at Signal Rock ni Chito S. Roño. Ang Nunal sa Tubig (A Speck in the Water) naman ni Ishmael Bernal ay magkakaroon ng world premiere sa Restored Classics section.

Sa tulong ng International Film Festival Assistance Program (IFFAP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), makakatanggap ng suporta ang mga piling pelikula para sa kanilang pagsali sa festival.

“Lagi kaming malugod na tutulong sa ating filmmakers na nakakapasok sa international film festivals para i-represent ang Philippine cinema,” sabi ng FDCP Chairperson and CEO na si Mary Liza Diño.

“Last year, ang Pilipinas ang naging Country of Focus sa Far East Film Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino. Masaya kami na patuloy na shino-showcase ng festival ang iba’t ibang boses mula sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsama ng Filipino films sa lineup nila ngayong taon,” dagdag pa niya.

Samantala, dalawang Filipino film projects naman ang kasama sa 15 titles na pinili ng Focus Asia para sa All Genres Project Market ng 21st Far East Film Festival. Kabilang rito ang Focus Asia Award winner sa Hong Kong-Asia Film Financing Forum (HAF) na The Grandstand  na dinirek ni Mikhail Red at prinoduce ni Pauline Zamora at ang coming-of-age drama na Everybody Leaves na dinirek ni Phyllis Grae Grande at prinoduce ni Alemberg Ang.

Magkakaroon ang film projects na ito ng opportunities para mag-co-produce at co-finance sa Europa at Asya at matanghal sa panels, one-to-one meetings, at screenings na may higit sa 200 na industry professionals.

Nag-solo muna sa pag-renew ng kontrata Nadine darna na?!

Si Nadine Lustre na ba talaga ang Darna?

Kahapon kasi ay nag-renew siya ng contract with ABS-CBN na hindi kasama ang real and reel life partner niyang si James Reid. Kaya ang suspetsa ng fans, baka sinadya, dahil siya nga ang gagawing Darna.

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with