Alden Richards, Kathryn Bernardo
Alden binuko na ang role nila ni Kathryn!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

Early morning today, April 26, ang grand opening ng fast food franchise ni Pambansang Bae Alden Richards, ang McDo sa Biñan Highway, Biñan, Laguna. Magkakaroon muna ng motorcade na maglilibot sa buong City of Biñan na pa­ngungunahan ni Alden mismo, at ng mga fan clubs na sumusuporta sa kanya.

After ng opening, tomorrow, Saturday, ay muling babalik si Alden sa Hong Kong para ituloy ang shooting nila ni Kathryn Bernardo ng first team-up nila sa Star Cinema, ang Hello, Love, Goodbye. Nai-share na ni Alden kung ano ang mga role na gagampanan nila ni Kath.

Siya raw ay matagal nang resident ng Hong Kong at si Kath ang OFW na darating doon. Magiging waiter sila sa isang restaurant doon kaya raw bago sila nag-start ng shooting under Cathy Garcia-Molina, nag-aral pa sila ni Kath bilang mga waiter. Hanggang doon daw lamang ang pwede niyang i-share.

May 10 shooting days pa raw sila sa Hong Kong at ilang shooting days pa sa Pilipinas.

Sa Sunday, April 28, ay 65th birthday ni Vic Sotto, maka-attend pa kaya muna si Alden ng celebration ni Bossing sa Eat Bulaga bago siya bumalik ng Hong Kong?

Sophie nagugulat sa kasamaan ng karakter

Kung nanonood kayo ng GMA Afternoon Prime drama series na Bitag, napapansin ba ninyo kung gaano kaganda at kaamo ang face ni Sophie Albert? Mga bida sa serye sina Max Collins at Jason Abalos, pero si Sophie ang kontrabidang si Reign, kontrabida rin si Neil Ryan Sese as Amado. Hindi ba nahihirapang mag-portray si Sophie bilang isang seryosong kontabida?

Sa story kasi, obsessed si Reign sa doctor na si Brylle (Jason Abalos) pero ni-reject siya nito after ng kanilang one-night stand, dahil may asawa na siya, si Jessie (Max) at may anak sila, si Ethan (Rafael Landicho).

“Medyo mahirap nga po dahil seryoso ang role ko, hindi tulad noong kontrabida rin ako sa romantic-comedy series na Familia Roces,” sagot ni Sophie. “Pero sinusunod ko po lamang ang character ko based sa script, nagugulat din ako na ganoon pala kasama ang role ni Reign. Sana po ay hindi naman magalit sa akin ang mga sumusubaybay sa amin.”

Kasama rin sa serye si Mark Herras bilang pulis na may hawak ng kaso. Ang Bihag ay dinidirek ni Neal del Rosario at napapanood araw-araw sa GMA 7 pagkatapos ng Dragon Lady.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with