^

Pang Movies

Pintuan ng ABS bukas daw sa aktor, John Lloyd may pinagdaraanan!

Joe Barrameda - Pang-masa
Pintuan ng ABS bukas daw sa aktor, John Lloyd may pinagdaraanan!
John Lloyd Cruz

MANILA, Philippines — Isang malaking palaisipan sa amin ang mga social media sighting ni John Lloyd Cruz sa iba’t ibang lugar sa southern Philippines at sa Cebu. Kung personal ninyong kilala si John Lloyd ay mailap yan sa publicity lalo na sa mga private moments niya. Kaya nakapagtataka na all of a sudden ay kung saan-saan ito nakikita at hindi man lang nag-aayos na animo’y ermitanyo.

May mga naghihinala na parang may personal problem ito. May sinasabi ang iba na kesyo nagkakalabuan ang couple lalo na nakikita sila na magkahiwalay sa kanilang mga lakad. Kaya isang malaking palaisipan.

Lumalabas na naman ang mga sabi-sabi na sarado na raw ang pintuan ng kanyang home studio kung sakaling bumalik siya sa pag-aartista. Pero may nakausap kami na isang may mataas na posisyon sa ABS-CBN at wala raw katotohanan ang balitang iyon. Bukas daw ang pintuan nila sa pagbabalik ng award winning actor. Kung totoong sarado nga ang pintuan ay maraming may magbubukas para kay Lloydie na walang kupas sa pag-arte.

Fast food ni Alden, bukas 24 oras

Isang malaking tagumpay ang soft opening at blessing ng bagong McDonald’s branch sa Biñan Highway sa Biñan, Laguna na pag-aari ni Alden Richards. Dinaluhan ito ng mga pulitiko ng Laguna, mga bossing ng GMA, mga kapwa artista at mga kapag-anak at kaibigan. Nag-uumapaw ang galak ni Alden at hindi niya sukat akalain na matutupad ang malaking pangarap na bata pa lang siya ay inaasam na niya. Kaya hindi mali ang mangarap noh. Hindi natin alam kung ano ang tadhana ng bawat isa sa atin.

Kaya pinaghahandaan nila ang bonggang pagbubukas ng McDo nila sa Biyernes na tiyak dadagsain ng maraming tao. 24 oras pala ang operation nito at sa Biyernes ay naghanda na sila ng mga aktibidades para sa fans. Kaya maghapon nandun si Alden.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with