Young actress na namana ang pagmamahadera ng nanay, tsugi sa trabaho
(Pang-masa) - April 26, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalis na pala na mainstay ng isang show ang young actress na malaki pa naman ang future sa showbiz dahil magaling umarte at may fan base na rin naman.

Hindi kasalanan ng young actress kung bakit siya nawalan ng regular show. Ang mother ng young actress ang naging problema dahil nauna itong magka-attitude kesa sa anak.

Ang nangyari, nagka-attitude na rin ang young actress. Yumabang at nag-feeling sikat. May time sa dati nitong show na walang kumakausap sa kanya dahil sa pag-iinarte nito.

Sa ngayon, wala munang regular show ang young actress. Nakara­ting na sa management ang pag-a-attitude niya at ng kanyang ina. Saka na siguro siya bibigyan ng bagong show kapag bumait na siya.

Alden may 150 staff...

Dream come true kay Alden Richards at sa pamilya nila ang pagkakaroon ng franchise branch ng McDonald’s na dati, customer lang ang aktor. Two-storey ang McDo branch nina Alden, malaki siya at 202 ang seating capacity.

“Hindi ako makapaniwala malaki siya, nagulat ako ganito kalaki,” ang sabi ni Alden nang makausap namin sandali, pero kita sa mukha ang tuwa na finally may franchise branch na siya ng McDonald’s.

Nagkaroon ng pa-misa at nagsalita si Alden, saka sumunod ang dinner.

10,000 ang ini-expect na darating at 8,000 doon ay fans sa opening ngayon.

Ang sister ni Alden na si Riza Faulkerson, ang Managing Director ng Ika-768 stores sa bansa ng McDonald’s na tatawaging McDo Biñan Highway.

Feeling blessed si Riza, excited at overwhelmed sa magandang nangyari sa pamilya nila. Para raw sa future nilang magpapamilya ito.

Aabot sa 110 ang crew ng McDo at kasama ang security guards at iba pang workers, aabot sa 150 people ang magtatrabaho under her.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with