_pang-masa
^
Gabby sa korte lang gustong magsalita?!
Gabby Concepcion

Gabby sa korte lang gustong magsalita?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

Sa simula pa lang naman ay nilinaw na nila na hindi makakasipot si Gabby Concepcion sa press conference ng kanyang pelikulang Man and Wife. Hindi naman sinabi kung may nauna nang appointment si Gabby o talagang ayaw munang humarap ng actor sa media.

Matatandaang noong nakaraan niyang presscon sa GMA, sinasabing umalis agad si Gabby dahil may ilang mga personal na katanungang ayaw na muna niyang sagutin. Marami ang may palagay na ang issue na may kinalaman sa problema nilang magkakapatid dahil sa lupa ng kanilang ina ang kanyang iniiwasan.

Karapatan naman ni Gabby iyon kung ayaw nga niyang sagutin pa ang nasabing issue. Maaari naman talagang magsalita na lang siya sa tamang forum. Ibig sabihin sa korte na lang. Delikado talaga iyang mga ganyang bagay. Hindi ka basta makakapagsalita kung ano lang ang gusto mong sabihin. Kailangang paghandaan kung ano man ang mga katuwirang legal. Kaya nga kung minsan sa ganyan, talagang walang sumasagot kung di ang abogado na lang.

Pero may backlash naman iyan, dahil kung iiwasan niya nang iiwasan, hindi naman siya makakapag-promote nang husto ng mga proyektong ginagawa niya, na kung iisipin ay obligasyon niya.

Kanya-kanyang diskarte nga iyan sa buhay eh. Ginagawa niya kung ano ang sa tingin niya ay mas makabubuti sa kanya at walang sinuman ang may karapatan na kumuwestiyon sa kanyang kagustuhan. Maaari rin namang confident na si Gabby na ang kalalabasan ng kanyang pelikula ay kung ano ang inaasahan nila roon. Iyon kasing sinimulan niyang serye sa telebisyon, isinabak sa prime time at maganda naman ang kinalabasan sa ratings. Ibig sabihin talagang may hatak pa siya.

Ate Vi hindi pinalampas ang 100 birthday celebration ng isang fan

Nang marinig ni Vilma Santos na mayroon siyang isang fan, na 100 taon na ang edad at ang tanging kahilingan sa kanyang birthday ay makita ang aktres, kinausap niya agad ang kanyang mga kasama, sinabi niyang hindi muna siya makasasama sa pagkakampanya sa araw na iyon dahil hindi niya mahindian ang kahilingan ng kanyang fan na umabot na sa ganoong edad.

Pinuntahan ni Ate Vi ang kanyang fan, at tuwang-tuwa naman ang matanda.

Sabi nga ni Ate Vi, sariwa pa sa kanyang ala-ala ang pagkawala ni Mama Santos, at para nga sa kanya, kung ano man ang makapagbibigay kasiyahan sa isang matanda, kung maaari ay ibigay mo nang lahat dahil hindi mo alam kung hanggang kailan iyan.

Talaga si Ate Vi, hindi niya matatalikuran ang kanyang fans come what may. At hindi lang iyan. Marami siyang plano para sa kanyang fans para matulungan sila pagdating ng araw.

Aktres may tama pa rin sa first BF na pinagbintangan nangwasak ng kanyang virginity!

Kahit na may boyfriend na ngayong iba ang isang female star, hindi pa rin mawala sa kanyang isipan ang una niyang boyfriend na naging ka-love team din niya. Minsan nadudulas ang dila niyang sinasabi na gusto pa rin niya ang kanyang unang boyfriend. Hindi naman daw totoo ang tsismis na iyon ang “naka-virgin” sa kanya, pero talagang hindi niya makalimutan ang kanilang naging love affair noong araw. “He made me feel that I’m a woman,” madalas daw sabihin ng female star.

Bakit nga kaya?

GABBY CONCEPCION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with