^

Pang Movies

Pelikula nina Sharon, Julia, Gerald at Keanu Reeves, may rambulan sa takilya!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pelikula nina Sharon, Julia, Gerald at Keanu Reeves, may rambulan sa takilya!
Julia Barretto, Gerald Anderson

Alam mo, Ateng Salve, nakaka-sad na magbabanggahan sa takilya on May 15 ang Kuwaresma ni Sharon Cuneta at Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Pero mas nakaka-sad na babanggain nila ang John Wick 3 ni Keanu Reeves.

Feeling ko, mas may chance na kumita ang dalawang Tagalog movies na ‘yon kung hindi sila magtatapat.

For sure kasi na maraming mga sinehan ang ibibigay sa John Wick 3 (na sa May 17 pa lang showing sa Amerika).

Paano kaya sa Kuwaresma at Between Maybes?

At least, ang pelikula nina Gerald at Julia, produced ng Black Sheep Productions, na film outfit din ng ABS-CBN, kaya may matindi silang promotions at magiging visible ang trailer nila hindi lang sa Dos, pati na rin sa lahat ng channels ng Kapamilya network sa cable at TV Plus.

Since Kapamilya actress naman si Sharon, sana naman ay may matindi rin siyang promotions ng Kuwaresma sa shows ng Dos, huh!

Anyway, marami naman ang nagsasabing mukhang scary ang Kuwaresma ng Megastar, kaya nga sana ay panoorin ito ng mahihilig sa horror.

Sana rin ang Sharonians, huwag basta pumayag na madehado ang pelikula ng kanilang idol, huh!

Aktres nagbebenta ng signature bag na bigay ng ex!

Maraming mga celebrity na nagbebenta ng kanilang pre-loved items.

Karaniwan ay “panalo” ang mga nakakabili ng ganitong items from some celebrities dahil halos giveaway na talaga ang mga presyo.

Nakita ko kamakailan sa social media account ng isang aktres ang signature bag na ibinebenta niya.Nag-text ako kay aktres at sinabi ko na kilala ko ang bag na binebenta na niya at galing ‘yon sa isang aktor na nakarelasyon niya. Natawa lang si aktres. Noong araw, paborito ni aktres na gamitin ang bag na ‘yon, pero ngayon nga ay ibinebenta na.

In fairness kay aktor na not so active na in showbiz dahil mas gusto na ng quiet life, generous siya sa kanyang mga nakakarelas­yon at mahilig talaga siyang magregalo ng mga mamahaling bagay.

Ateng Salve, baka type mo na bilhin ang bag na ‘yon, ibubulong ko sa ‘yo kung sino si aktres! (Hahaha. Why not basta bargain at bongga pa. - Salve. )

Coco active sa Partylist

Ang sipag mag-campaign ni Coco Martin para sa ilang mga kaibigang artista.

Pati sa PartyList group na Ang Probinsyano ay panay ang campaign ni Coco tuwing weekend.Sobrang suportado ni Coco ang nasabing PartyList group.

Sabi-sabi, pakikisama lang daw ang ginagawang pagka-campaign ni Coco sa mga kandidatong tinutulungan niya dahil  magaling daw talagang makisama ang aktor!

Kabaligtaran naman si Coco ng ibang mga artista na halos araw-araw nagka-campaign.

Kapag ganitong campaign period, mas gusto ng mga ito na wala silang regular shows.

Sa campaign lang daw kasi sila kumikita ng mas malaki. May mga artista namang packaged ang bayad sa mga campaign.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with