Aktres feeling Hollywood star kung makapag-demand
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 25, 2019 - 12:00am

Marami palang issues sa bratinella actress na ito kaya hindi nakapagtataka na palitan siya sa projects na dapat ay siya ang priority.

May mga demand na ito at pinaabogado pa raw niya ang mga ito na siyang ikina-offend ng mga humawak ng career niya.

Nakalagay pa sa demands na dapat involved siya sa pagbuo ng anumang project at sa pagpili ng mga makakatrabaho niya.“Feeling Hollywood ka teh?!” talak ng isang source.

“Kung inakala niya na uubra ang power tripping niya, sorry! Hindi siya si Reese Witherspoon o si Nicole Kidman. Nasa Pilipinas ka kaya wake up!

“Hindi uso ang demands dito. Kung ayaw mo, maraming available na artista dyan. No one is indispensable sa showbiz.

“Ang dapat niyang gawin ay magpakabait siya at sumunod siya sa mga ipagawa sa kanya. Kung level na niya in terms of achievements sina Sharon Cuneta or Vilma Santos dun siya mag-demand. Ambisyosa!”

Angelina dalawang beses nang nagtanggal ng apelyido!

Officially ay tinanggal na ang “Pitt” sa pangalan ng Hollywood actress na si Angelina Jolie.

Na-grant na ang ng korte ang dissolution in status only ng marriage nila Angelina at Brad Pitt.

Noong kinasal sila noong 2014, dinagdag ang Pitt sa name ni Angelina. Dahil nakuha na ng aktres ang papers bilang “part of the dissolution of the Hollywood stars’ legal union, Jolie’s name was officially restored to simply Angelina Jolie.”

Ito ang second time na mag-drop si Angelina ng married surname. In 2002, the actress, who was born Angelina Jolie Voight, petitioned the court to legally drop Voight from her name (she was estranged from her father Jon Voight).

Naging tahimik ang divorce procedure nila Angelina at Brad hanggang sa lumabas ang interview ni Brad sa GQ in 2017.

Pero tuloy pa rin ang issues such as custody sa kanilang mga anak na sina Maddox, Pax, Zahara, Shiloh, Vivienne and Knox.

ANGELINA JOLIE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with