Shooting nina Alden at Kathryn sa Hong Kong nadi-delay dahil sa ulan!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Bumalik na kagabi ng Pilipinas si Alden Richards mula sa pagsu-shooting nila ni Kathryn Bernardo ng first team-up movie nilang Hello, Love, Goodbye for Star Cinema. Hindi kami sure kung tapos na ang shooting nila ni Kathryn, dahil ilang araw silang hindi nakapag-shooting outdoor dahil ulan daw nang ulan, lalo daw noong Holy Thursday, na parang may bagyo roon, ayon sa friend naming resident ng Hong Kong. Maaaring bumalik pa si Alden kung hindi pa sila tapos mag-shoot ni Kath.

Pero kailangan nang umuwi si Alden, naka-block off na ito sa Star Cinema, dahil today, April 24, ang blessing ng kanyang McDo store sa Biñan Highway, Laguna. Invited dito ang family ni Alden at close friends niya sa industry. 

Sa Friday, April 26 naman ang grand opening ng store na laan para sa fans. Bago pa ang opening, sold out na ang tickets na advanced nang nabili ng fans, here and abroad, at iki-claim na lamang nila ang food at give-aways ng McDo. 

Daniel magtatagal sa HK

Ang mukhang nag-extend ng vacation niya sa Hong Kong ay si Daniel Padilla, na sinurpresa ang girlfriend na si Kathryn Bernardo, nang bigla siyang dumating.

Sa Instragram story kasi ni Joross Gamboa, na bumalik na sa two-day vacation sa Philippines noong Holy Week, last Sunday, April 21, tinatanong niya si Daniel ng “saan tayo?”  Sagot ni Daniel, “sige, maliligo muna ako.” Ibig sabihin hindi pa babalik ng Pilipinas si Daniel, o baka hihintayin na niyang matapos ang shooting ni Kath at sabay na silang babalik ng bansa.

BF ni Jasmine mas madasalin kesa sa kanya

Sa press launch ng horror film na Maledicto, natanong si Jasmine Curtis Smith kung hindi ba siya natakot noong ginawa nila ang exorcism scene ng movie sa direksyon ni Mark Meiley for Fox?

“I have the cross with me which they said was blessed, yun ang naging anchor ko,” sagot ni Jasmine. “First time ko makaganap ng ganitong role, at I don’t believe, pero si Tom (Rodriguez), may nararamdaman daw siya. Ako, ayaw kong isipin iyon, ayaw kong ma-experience iyon. Anyways, may prayer warrior din ako, si Jeff (Ortega, her boyfriend), madasalin iyon kaya ipinagdarasal niya ako kapag may scene akong ganoon.”

Mas nahirapan daw si Jasmine doon sa eksenang may CGI effects na ang kalaban niya kunwari ay mga platitong lumilipad hindi tao, kailangan niyang pag-aralan kung paano niya iiwasan iyon.

Sa May 1 na ang premiere showing ng Maledicto na co-produced din ng Cignal Entertainment at ng Unitel Pictures, in cinemas nationwide.

ALDEN RICHARDS KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with