^

Pang Movies

Angel laging handa sa sakuna!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Angel laging handa sa sakuna!

Nasa taping ng kanyang serye si Angel Locsin nang biglang umuga ang paligid at tumama ang lindol na 6.1 ang sinasabing magnitude sa epicenter sa Zambales.

Ang intensity o ang lakas na nararamdaman natin ay depende kung nasaan tayo.

Pero inamin ni Angel na “kinabahan ako. Humawak ako sa kamay ni Tito Pip. We started praying at noong tumigil na ang lindol, I immediately made calls sa pamilya ko to check on their safety”.

Iyan ang naging reaksiyon ni Angel Locsin, na kahit na sabihin ninyong artista, sanay na iyan sa mga ganyang pangyayari dahil sa totoong buhay, siya ay isang Red Cross volunteer. Iyang mga volunteer ng Red Cross ay sumasailalim sa disaster preparedness seminars at alam nila kung ano ang kanilang dapat gawin kung magkakaroon ng kahit na anong disaster. Sabihin mo mang bagyo iyan, malaking sunog o kahit na lindol, alam nila iyan. Pero pagdating sa actual na pangyayari, minsan talaga naiiba ang aksiyon mo. Depende kasi iyan sa sitwasyon mo sa oras maganap ang isang disaster.

Kaya nga sinasabi namin, napakahalaga para sa lahat ang maging handa sa anumang bagay na maaaring mangyari. Kami man ay sumailalim sa lahat ng mga pagsasanay sa safety, lalo na sa panahon ng mga disaster, kaya saan man kami magpunta sa ano mang panahon, hindi namin nakakalimutan ang isang flashlight at isang pito. Napakalaki po ng magagawa ng mga bagay na iyan pagdating sa isang disaster. At siyempre, kailangan din namang nakahanda tayong magdasal at humingi ng tulong sa Diyos.

Tama iyong mga ginawa ni Angel. Siguro kung hindi ‘yan sanay sa disaster preparedness, natakot na siya. Inaamin naman niya na medyo nag-panic din siya. Nakakagulat naman talaga ang ganoon kalakas at katagal na pagyanig. Pero at least, hindi siya tuluyang nag-panic.

Mga sinehan matagal na apektado ng lindol

Kinagabihan nga, kausap namin ang isang theater manager, na matapos ang malakas na paglindol ang ginawa raw nila ay hindi muna nila pinabalik ang mga tao sa loob ng sinehan. Pinabuksan muna ang lahat ng mga ilaw, at tiningnan nila kung may nag-crack ba o may damage.

Kahit na sabihin mong bago. Kahit na sabihin mong matatag ang pagkakagawa. Pagkatapos ng ganung lindol ay tamang i-check muna kung ligtas ba ang lugar. Nang makita daw nilang ok naman ang lahat, pinabalik na nila sa loob ang mga manonood na suwerteng kakaunti rin naman dahil Lunes nga.

Pero aminado siya, malaki ang epekto ng ilang minutong lindol na iyon sa kita ng mga sinehan, hindi lang sa araw na iyon kundi baka umabot pa ng isang buwan. Ang kuwento niya sa tuwing nagkakaroon daw ng malakas na lindol, umaabot ng isang buwan bago tuluyang makabawi ang mga sinehan, at pasuking muli ng mga tao. Kaya humanda na ang mga pelikulang magso-showing.

Magandang aktres panay ang abroad para mag-sideline

Ibang klase rin naman pala si magandang aktres.

Kaya pala minsan nagugulat na lang tayo na nasa abroad siya, namamasyal na mag-isa dahil doon niya ginagawa ang kanyang mga “milagro”. Kahit na may name na rin naman siya, talagang mahirap ang buhay ngayon sa showbusiness at kailangan din naman niya ng “sideline”. After all wala naman siyang syota ngayon. Naghiwalay sila ng kanyang syota matapos ang ilang taong pagli-live in, kaya ok lang sa kanya ang “mag-sideline”.

Sa abroad nga naman, hindi siya matsitsismis.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with