Nakakalimutan nang kumain Sharon sobrang nangayayat na!
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Totoo nga ang ipinost ni Sharon Cuneta na larawan niya few days ago na payat na siya dahil sa grand presscon kahapon ng first horror film niyang Kuwaresma ng Reality Entertainment and Globe Studios, nakita ng lahat ng entertainment press na dumalo kung gaano na talaga kalaki ang ipinayat ni Megastar.

Aniya, pumayat daw siya after shooting ng Kuwaresma kaya itinuloy-tuloy na niya ang pagpapayat.

“I lost weight after shooting pa, tapos nag-Korea kami for the Holy Week, I lost more weight. Parang I don’t have specific cravings anymore,” pahayag ni Sharon sa presscon.

Wala raw biro, nalilimutan daw niya kumain.

“Or oorder ako (ng food), natatawa ‘yung yaya ko kasi, ‘yaya, I’m busog na.’ Pagdating niya, ‘ma’am, di n’yo ginalaw, inuring-urong n’yo lang,’ ‘hindi naman, nag-bite naman ako mga dalawa-tatlo,’” kuwento pa ni Shawie.

Hindi raw siya talaga nag-effort nang husto na mag-diet kung hindi nawalan daw siya talaga ng cravings for food.

“I don’t really care about people think when I’m mataba. It just happens, it comes to me all of a sudden na ayoko na, gusto ko nang mag-suot ng damit na... ganu’n. It happened this year, medyo delayed siya. Pero it happened to me this year while shooting the movie. Mas gusto kong matulog kaysa kumain.

“Tapos after the movie, dire-diretso,” sey pa niya.

Pati ang direktor ng Kuwaresma na si Erik Matti ay nahirapan sa sobrang pagpayat ni Shawie dahil sa continuity ng pelikula,

“For a time, nag-panic pa kami kasi bago siya mag-concert sa US, syinut na naming ‘yung finale, but it wasn’t finished. We only shot parts of it.

“Pagbalik, sobrang payat ni Shawie pagdating sa set. Magkadugtong ‘yung eksenang ‘yun. Sabi ko, ‘makakalusot ba ‘to na kanina lang, iba ‘yung hugis tapos biglang sobrang payat na sa next cut,” kwento ni direk Erik.

Biro naman ni Sharon, since payat na siya ngayon, magpi-prisinta na raw siyang mag-Darna ulit.

Samantala, sobrang fan pala si Sharon ng horror films at napanood na nga raw niya yata lahat ng nakakatakot na pelikula, foreign and local. Kaya nga noon pa raw  niya dream makagawa ng isang horror movie pero kung bakit lagi nga raw hindi natutuloy.

Kaya nang i-offer sa kanya ang Kuwaresma, sinunggaban na raw niya talaga ito at naging napakadali ng kanyang pag-oo.

While shooting the film, ayon kay Sharon, sa lahat ng nagawa niyang pelikula, ito na raw Kuwaresma ang isa sa most physically, mentally and emotionally draining pero sa kabila nito, from beginning to end, sobrang happy set naman daw ito.

“And I was so impressed by the whole Reality team, it was such an efficient staff, such a wonderful crew na para silang mga army,” sey ni Shawie.

First time makatrabaho ni Shawie si direk Erik sa isang pelikula dahil dati ay nakatrabaho na raw niya ito sa isang commercial, gayundin si John Arcilla na ayon kay Megastar ay talagang napakahusay na aktor.

Showing na ang Kuwaresma sa mga sinehan nationwide starting on May 15.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with