Jodi at Bela, nayanig sa screening!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 24, 2019 - 12:00am

Guess where we were Salve A., kami nina Isah Red and Ahwel Paz nang magsimulang yanigin ng 6.1 earthquake ang Metro Manila noong Monday?

Nasa harapan ng open space ng Dolphy Theater, waiting for the go-signal from Dreamscapes Television Entertainment (DTE) host, Eric John Salut, for us and the other invited guests to enter the theater for the screening and supposed presscon ng upcoming series na Sinong May Sala Mea Culpa

Maganda ang ginawa ng mga guard around, as they all sounded calm, when they requested everyone to move over to the wider space, open air, sa harapan ng chapel.

Later, we were asked to move to the bigger ground sa harap na mismo ng ABS-CBN building, where we were joined by the hundreds of employees of the Network.

We were kept there for almost two hours. And when advised by Phivolcs, that things were back to normal, hayun at pinabalik kami sa mismong loob na ng Dolphy Theater.

And how was Sino Ang May Sala, you may want to know, Salve A.?

No kidding, it was worth the long wait. Malaki sanang kasalanan kung hindi namin napanood.

Manghihinayang kang hindi na lang ginawang movie ang series.

Ang ganda ng pagkakalahad ng kuwento, lalo na ang performances ng mga artistang involved sa series who include, maliban sa dalawang pinakabidang babae sa palabas na sina Jodi Sta. Maria at Bela Padilla, sina Agot Isidro, Ayen Munji-Laurel, Janice de Belen at Boboy Garovillo.

Plus of course ang mga baguhan pang sina Tony Labrusca, Sandino Martin, Kit Thompson at Ketchup Eusebio.

A new actress to watch naman si Ivana Alawi, na kailangang mag-sumbit lang sa acting workshop para lalong gumaling.

Ivana played Eddie Garcia’s young mistress in FPJ’s Ang Probinsyano.

Directed by two of our best movie and TV directors in showbiz, Andoy Ranay at Dan Villegas, Sino Ang May Sala… is set to premiere on ABS-CBN Monday, April 29.

It will take over the timeslot na iiwanan ng still high rating series, Halik na magtatapos na rin.

Kit na-challenge sa target shooting

Later sa tsikahan among the members of the cast ng Sino Ang May Sala…, we had the chance na makausap si Kit. Laking Arayat, Pampanga pala siya. American ang kanyang father, kaya he had the chance na mag-aral ng acting at manirahan sa America for three years.

Only 22 years old, naging housemate siya ni Big Brother sa episode ng Pinoy Big Brother (PBB), where Myrtle Saroza emerged the champ.

Ang pinakamaganda at pinaka-challenging daw na role niya so far ay ang na-assign sa kanyang gampanan sa Sino Ang May Sala…, where he plays a young lawyer na ang ambisyon ay maging NBI (National Bureau of Investigation) agent.

For the role, he took up target shooting. And so far, so good.

Meron siya upcoming movie for Cinemalaya, na ang leading lady ay si Mylene Dizon.

Gab Lagman sinuko muna ang pag-aaral para sa pag-aartista

Tulad ni Kit, inglisero rin ang newcomer na si Gab Lagman, who is in the cast of Halik.

He was born and grew up in Las Vegas, Nevada. His mom is a Filipina, while his Dad ay American.

He had no plans before to join showbiz. In Las Vegas, nag-aaral siya ng nursing.

On leave siya sa kanyang pag-aaral, when he decided na dumalaw sa homeland ng kanyang ina.

To make a story short, na-hook siya sa kabaitan ng mga naging kaibigan niyang Filipino.

Before long, may nag-offer sa kanya to join showbiz.

In Halik, he plays the younger brother of Sam Milby, who portrays Ace, na sobra ang galit at inggit sa elder brother ng kanyang girlfriend (played by Jane de Leon), na ang gumaganap ay si Jericho Rosales.

In the soap, he has had the chance, ayon kay Gab na masabak sa aktingan, di lang kina Sam, Jane at Jericho, kung hindi sa iba pang members ng cast, kabilang na si Yam Concepion, Cris Villanueva, Almira Muhlach at Amy Austria.

Only 23 years old, Gab thinks he is doing well, so far.

Yes, as a promising actor.

DREAMSCAPES TELEVISION ENTERTAINMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with