Coco Martin
Coco may punto sa isyu ng ‘public property’
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Tama naman ang sinasabi ni Coco Martin, may karapatan kahit na ang mga artista na itago ang kanilang pribadong buhay kung gusto nila. Legally, tama ang sinasabi niyang ang hanapbuhay lamang nila ay ang umarte, at doon sa bagay na iyon maaa-ring sabihin ng kahit na sino ang anuman, kasi bukas nga iyon sa publiko at sila ay nagiging “public property”, pero iyong bagay na personal, iba na.

Kay Coco Martin maaari mong sabihin kahit na ano ang gusto mo, pero kay Rodel Nacianceno, may karapatan siya sa isang pribadong pamumuhay.

Ano ang masasabi mong daan para mapakialaman ang buhay ni Rodel Nacianceno? Halimbawa siya ay nakagawa ng isang krimen, at nasa proseso ng imbestigasyon, maaari mong alamin iyon. Kung siya ay biktima ng isang krimen, maaari mo ring subukang alamin kung ano ang mga magkakaugnay na insidente ng kanyang buhay na maaaring naging dahilan ng krimen. Halimbawa rin, siya ay nagharap, o nahaharap sa isang kaso sa korte, ang lahat ng usapan sa korte at mga dokumento ay nagiging public record at maaari mong pakialaman iyon.

Pero kung may nanganak na, at siya ang itinuturong tatay, aba eh teka muna dahil ibang bagay na iyon. In the first place nagbigay ba ng isang public announcement ang nanay ng bata na si Coco ang tatay ng anak niya? Maski sa ating batas, basta walang sinabi ang tatay, at hindi siya pumirma sa birth certificate ng bata lalo na at hindi naman sila kasal ng nanay noon, ang bata ay nananatili lamang anak ng nanay niya.

Iyong nanay may public at medical records sa ospital. Iyong tatay wala.

Eh kasi ang problema sa showbiz, hindi napag-uusapan ang legal implications eh. Basta may nangyari sa tingin nila, balita na iyon. Basta artista ang involved sinasabi nila “public property” naman sila. May limitasyon din po iyang pagiging public property ng mga artista, at para sa mga totoong peryodistang sanay sa kanilang propesyon, iginagalang po namin ang karapatang iyan.

TV programs maraming paid troll?!

Talaga nga bang isa sa batayan ng pagiging malakas ng isang TV program ay iyong comments sa social media, kahit na alam naman nating may paid trolls, na ang trabaho ay mag-post nang mag-post sa social media platforms tungkol sa kanilang mga “kliyente”?

Madali namang makilala kung sino ang paid trolls eh. Ang mga inilalabas niya sa social media ay iyong mga kliyente nila, na kung iisipin, personally wala naman silang kinalaman. Halimbawa ano ba ang kaugnayan ng isang karaniwang tao sa ad layout ng isang pelikula o isang TV show na hindi naman siya ang producer o artista? Eh ‘di alam na ninyo kung ano.

Hindi kasama sa plugging ng trolls sa social media platforms, pero kami pinanonood namin ngayon iyong Sahaya, kasi nakumbinsi kami ng mga karaniwang taong nakakausap namin. Hindi rin namin pinalalampas iyong Daig Kayo Ng Lola Ko, kasi natutuwa kami. Hindi namin napapanood iyong mga sinasabi nilang top na pinag-uusapan sa social media, wala kasi kaming panahon sa lahat ng show.

Aktres ginagamit ang datung para mag-feeling ‘star’ pa

Kawawa naman ang isang aktres. Konting kibot lang ay may mga nakalahad na agad na palad sa kanyang harapan na kailangan niyang abutan ng pera. Kasi naman nagpipilit siyang maging star pa rin kahit na wala na talagang kumukuha sa kanya eh. Ang nakakatakot in the end, baka kung mawala siya, wala na ring mangyari sa mga anak niya dahil ang pera niya ay naibayad na niya sa mga troll na binobola lang siya.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with