Dingdong Dantes
Dingdong handa na sa ‘giyera’ ng Descendants of the Sun
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Emotionally prepared si Dingdong Dantes sa announcement na siya ang lead actor ng Philippine adaptation ng hit Koreanovela war-drama series na Descendants of the Sun na napanood din sa Kapuso Network.

“Kakaiba kasi ‘yung inspirasyon at hugot ng series. Bagong chapter ito ng buhay ko,” saad ni Dong sa harap ng press after niyang mag-renew ng contract sa Kapuso.

Dagdag pa niya, “Masasabi ko lang, I feel in love with the material. Napakaganda!

“Habang pinapanood ko siya, siyempre, sino ba ang aktor na hindi gustong gumanap dito? Masaya, masaya ako na ipinagkatiwala sa akin,” rason ng GMA Primetime king.

Ano pa ang gusto niyang gawin sa Kapuso?

“Bukod sa pagiging aktor, marami, marami pa. Hindi mo kasi ma-pinpoint isa-sa eh.

“Pero definitely, hindi man sa harap ng kamera, sa likod ng kamera, suporta ako sa GMA hindi lang sa show ko kundi sa shows ng GMA,” tugon ni Dong.

Kumusta naman ang pagiging ama the second time around?

“Six days na siya. Nag-a-adjust pa kami ngayon pero sa bahay, masayang-masaya kami ngayon. May bagong dumating. Very, very happy!” diin niya.

Kumusta naman ang reaksyon ni Zia sa kapatid?

“Excited siyempre! Niyakap niya agad ang kanyang baby brother pagdating namin sa bahay,” sabi ni Dong.

Kumusta naman si Marian?

“She’s fine! Kahit na nag-labor siya ng sampung oras para sa normal delivery, okay naman siya ngayon,” sagot niya.

Siyempre, baka pabuntis uli si Yan after ng baby boy nila.

“Hahaha! Hindi muna niya ako sasagutin ngayon! Siguro in one year ulit! Hahaha!” bulalas ni Dingdong.

DINGDONG DANTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with