Regine Velasquez-Alcasid
Regine nag-bowling nung birthday
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Ang 49th birthday ni Regine Velasquez-Alcasid kahapon. Walang bonggang celebration ang Asia’s Songbird.

Nag-bowling lang sila ng kanyang mister na si Ogie Alcasid, anak na si Nate, pati ang kanyang Velasquez family. After nito, may simple dinner lang sa bahay nila somewhere in Quezon City.

Nang maka-text ko si Ogie, sinabi niya na happy ang kanyang wifey sa pagbo-bowling nila.“Deretso na kami sa bahay after. Enjoy naman,” sey ni Ogie.

Masarap magluto si Regine at bongga rin kung i-prepare niya ang kanyang mga niluluto, pero dahil sa bowling nga nila, hindi na raw ang misis niya ang nagluto ng dinner nila. “Nagpa-catering na lang ako,” sabi pa ni Ogie.

Happy, Happy Birthday, Regine!

Richard type na type ang maiksing buhok ni Sarah

Sa Maui, Hawaii ko na lang napansin na nagpagupit pala si Sarah Lahbati. Kung noon ay mahaba ang buhok niya, ngayon ay hanggang shoulder na lang ‘yon, pero bagay sa kanya, huh! Si Richard Gutierrez nga, mukhang type ang bagong hair ni Sarah.

Noong Sunday nga pala, sinamahan ng dalawa ang panganay nilang si Zion na mag-Easter egg hunt. Pati sila, nakihanap din ng Easter eggs. After, naglaro rin silang tatlo.

Launching ng fans club nina Maine at Arjo hinarangan?!

Malabo na raw matuloy ‘yung launch ng fans club ng love team nina Arjo Atayde at Maine Mendoza, ang ArMaine Fan Club.

Noong una, sa isang posh hotel somewhere in Ortigas Center sana gagawin ‘yon, pero may “humaharang” daw. Pinakiusapan din ang mga fan na nag-o-organize na huwag na lang daw ituloy. Tama na raw na alam nila na nagmamahalan sina Arjo at Maine.

Wala pang balak magpatali sexy actress na dyowa ng PBA player gusto munang magka-career

Gusto raw pumasok sa Star Magic ng isang sexy actress na girlfriend ng isang PBA (Philippine Basketball Association) player.

Ang alam ko, katatapos lang ng kontrata ni sexy actress sa kanyang management team.

Noong una, marami ang nag-iisip na magpapakasal na si sexy actress at PBA player dahil panay ang post nila sa Instagram ng pictures nila na sobra silang “chummy” at daig pa nila ang magka-love team.

Pero ngayon na type pa pala ni sexy actress na magpa-manage sa Star Magic, nangangahulugan daw na hindi pa ready ba magpakasal si girl kay PBA player.

Well... ‘Yun na!

REGINE VELASQUEZ-ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with