Coco Martin
Coco nagkontrol ng inis!
VEROFIED - Veronica Samio (Pang-masa) - April 23, 2019 - 12:00am

Obvious naman sa naging pahayag ni Coco Martin sa kanyang social media account na na­saktan siya sa naging isyu sa kanila ni Julia Montes. Matagal na rin silang nali-link sa isa’t isa so much so na marami sa atin ang kinagat ang isyu bagaman at walang naging pag-amin sa dalawa. Pero, sa kabila ng pagbibigay niya ng pahayag, nagpakamaginoo pa rin ang Ang Probinsyano actor sa hindi pagbibigay ng kaliwanagan sa isyu ng di umano’y panganganak ng “girlfriend” niya.

Pero nakita at naramdaman ng lahat ang dinarama niya in between the lines na binitawan niya. Hindi siya yung nagpapamalas ng galit sa mga kaganapan. ‘Yung kilala nating Coco ay makikiusap na iregalo na lang natin sa kanya yung isyu, kesa naman magalit siya na pinakikialaman ng publiko ang isang bagay na itinuturing niyang personal dahil mga public figure  sila, lahat ng bagay of interest sa kanila ay pakikialaman ng mga tao who put them where they are now. Lalabas at lalabas din naman ang totoo in due time.

Moira at James nagpakita ng galing sa pagiging hurado

Kakatuwa ang Idol Philippines, ang gandang pagmasdan nina Moira, Regine Velasquez, James Reid at Vice Ganda sa kanilang palitan ng mga salita, kitang may rapport sila. Di ako disappointed kay Moira, nagpamalas siya ng pagiging isang mahusay na hurado, alam niya ang trabaho niya at very articulate siya, ganun din si James Reid. Bagaman at nagpakita sila ng puso sa kanilang panghuhusga, nagpakita sila ng kakayahan sa pagpili sa kung sino ang ipapasa at hindi sa audition. Sa rami ng isinasagawang singing contest sa Pilipinas.

Alden kinukumpara na agad kay Daniel

Magiging mahirap para sa Pambansang Bae na si Alden Richard na hindi maikumpara sa ka-loveteam ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla. Kung marami siyang fans, ganundin ang Teen King na hindi basta-basta papayagan na maihandog sa kanya ang ka-love­team nito in a silver platter.

Syempre kahit papaano, mararamdaman ang kanilang pagtutol sa pagbabagong ito sa buhay ng minamahal nilang pareha. Kunswelo na lamang nila na nagagawang dalawin ni DJ si Kathryn sa set ng movie nila ni Alden sa Hong Kong pero, siguradong hindi dito payag ang mga maka-Alden.

COCO MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with