Gerald Anderson
Gerald may sariling resort na
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Owner of a beach resort in Beneg, Botolan, Zambales si Gerald Anderson.

Kaya last Holy Week, he and girlfriend Bea Alonzo were seen together there.

“Gerald obviously knows where to invest his money,” anang isang malapit sa kanya. “Alam niyang health conscious ngayon ang maraming tao. Aside na they want to maintain their built. Mapababae o lalaki.

“’Di ba, he also invested in a gym, kung saan balitang madalas makita si Bea?

“Kaya, look at both of them now. Parehong firm and will-built ang mga pangangatawan,” patuloy pa ng aming kausap.

Career wise, busy, as usual, si Gerald, since he is now teamed u p for the first time with Julia Barretto in a movie, Between Maybes for Black Sheep Productions, which has Paul John Laxamana at the helm.

Arjo binalikan ang eskuwelahan

Wow, ang ganda ng desisyon ni Arjo Atayde na ipagpatuloy ang pag-aaral, kahit via online muna. Because nga of his ultra heavy schedule.

He may have just finished the still showing Stranded, his first team-up with Jessy Mendiola and the currently streaming iWant Bagman, yet, there is the top-rating series, The General’s Daughter, na kailangang pagtuunan niya. Considering na ang bibigat ng mga artistang kasama niya. Lalo na si Maricel Soriano, who plays his Mom.

At huwag nating i-underestimate ang role na kanyang ginagampanan, that of a special person. Someone afflicted with autism.

Madalas din niyang ka-eksena si Angel Locsin, who plays the title role.

Where his lovelife is concerned, diyan obviously masasabing panalo to the max si Arjo.

Open na si Maine Mendoza sa pagsasabing in love nga sila sa isa’t isa.

Happy Easter na tunay, Arjo.

JM inaatake pa rin ng anxiety

JM de Guzman admits na ‘di pa rin niya puwedeng ituring ang sariling totally healthy. He still attends regular therapy session. May mga pagkakataon daw kasing nakakaramdam siya ng pagkabalisa or in short, anxiety, na ‘di niya mai-describe.

But where his working ability is concerned, he seems to have no problem. Nobody can argue that he did a good job playing leading man to Arci Muñoz in the still ipinalalabas na pelikulang, The Last Fool Show.

Right now, his co-stars in his new series, Project Kapalaran, has no complaints tungkol sa kanyang pakikisama at bilang katrabaho.

As much as possible, however, he avoids muna na makipag-relasyon. Although, di rin naman niya itinatanggi o inililihim kaya na may kakaibang atraksiyon sa kanya si Ria Atayde.

Meanwhile, aside from Project Kapalaran, JM is busy preparing for his new album.

Jessy sinisisi sa mga flop niyang pelikula!

Grabe naman, kung totoong kay Jessy Mendiola isinisisi ang pagiging flop ng dalawa niyang movie niya na The Girl In The Orange Dress, where she had for her leading man Jericho Rosales at ang Stranded kasama si Arjo.

Hayan tuloy at walang bagong assignment si Jessy. Mabuti na lang at she’s into vlogging these days.

And there is Luis Manzano, her boyfriend, who is willing to take the cudgel for her for whatever.

By the way, have you seen, Salve A., the new color ng hair ni Jessy?

Pakisabi, it doesn’t become her.

Agot ayaw pa ring tantanan sa BF

Wow, pag nagkataon at dumalo sa presscon today si Agot Isidro sa bagong series na mapapanood on ABS-CBN na Sino ang May Sala, Mea Culpa, who is in the cast with Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Janice de Belen, Kit Thompson at Ketchup Eusebio, among others, tiyak uulanin siya ng tanong tungkol sa kanyang Senatorial boyfriend na si Lawyer Florin Hilbay.

Now in her 50s, Agot was formerly married to equally to TV personality Manu Sandejas. Ang kanilang pagsasama ay tumagal for 10 years.

They separated in 2010.

It’s only now na openly nali-link si Agot sa isang lalaki. Na, wika nga, may sinasabi naman.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with