Malia O’Brian, Pokwang
Bunso ni Pokwang nakaka-LSS ang kanta
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Ang Malia Malia single ni Malia O’Brian under Star Records na kasama rin ang nanay niyang si Pokwang.

Nakakaaliw ang kantang ‘yon na puwedeng ma-download sa Spotify.

Nakakatuwa rin ang official music video ng nasabing kanta na gustung-gustong panoorin ng mga bata at marami nga ang nagme-message kay Pokwang na na-e-LSS (last song syndrome) sila.

“‘Katuwa naman! Marami nga ang nagme-message na na-e-LSS sila, kaya download lang nang download.

“Salamat naman sa lahat ng mga sumusuporta at natutuwa,” sey ni Pokwang nang maka-PM (private message) ko siya habang nasa Las Vegas, Nevada siya para sa Father & Son US concert tour ng mag-amang Piolo at Inigo Pascual kasama si Maris Racal.

Nang ka-PM ko si Pokwang, sinabi niyang super successful ang lahat ng shows niya at by the time na binabasa ninyo ito ay nasa flight na siya pa-Hawaii (18 hours behind ang Hawaii sa Philippines).

May show rin sila roon?

“No marse, 50th wedding anniversary ng parents ni Papang Lee kaya doon muna kami to celebrate with the O’Brian family.

“Bukas ng gabi last leg ng show, yahooooo! ‘Tapos lipad na ako from Las Vegas to Hawaii. Sa airport na kami magkikita nila Lee, Malia and Mae, from manila naman sila.

“Honolulu airport 9:00AM sila baba, ako naman 1:00PM ang baba, wait nalang nila ako sa airport, then lipad to Big Island of Hawaii.

“April 30 uwian na kami,” sabi ni Pokwang sa PM niya sa akin noong Friday (US time).

Pagbalik daw ng bansa ay sunud-sunod na ang trabaho ni Pokwang.

Sobra nga raw niyang na-miss ang kanyang nga anak, siyempre pati si Lee!

Jolo at GF ikakasal na!

Ang sweet post ni Jolo Revilla sa Boracay photo nila ng girlfriend na si Angelica Alita (first runner-up sa Binibining Pilipinas 2016).

Tama ba ang narinig ko na engaged na ang dalawa?

Sa December yata ikakasal ang mag-sweethearts.

Noong huling paghihiwalay ni Jolo at Jodi Sta. Maria, marami pa ang nag-akalang magkakabalikan sila, pero ngayon nga, mukhang malabong mangyari na ‘yon, huh!

Marami naman ang nagsasabi na nakakainggit ang sobrang ka-sweet-an nina Jolo at Angelica.

Pati raw sina former Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado ay boto kay Angelica para kay Jolo.

Vice pasyal pasyal na naman sa Japan

Ang post ni Representative (at ngayon ay kumakandidatong mayor ng Navotas City) na si Toby Tiangco sa Instagram ng picture kung saan ay nakita nila ng anak na si Tommy Tiang­co si Vice Ganda at ang fashion designer na si Paul Cabral habang namamasyal sila sa Japan.

Sa isang IG story ni Vice, sinabi niyang ang daming tao sa Tokyo, Japan.

Sa rami ng tao sa Japan, parang ang liit pa rin ng lugar na ‘yon dahil aksidenteng nagkita-kita pa sila.

Sabi ni Cong. Toby nang maka-PM ko kahapon, noong Friday pa raw kuha ang picture nilang ‘yon ni Vice.

MALIA O’BRIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with