Kathryn Bernardo, Daniel Padilla
KathNiel sa music video muna
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Sa totoo lang, pati kami ay kinilig nang mapanood namin ang short video nina Kathryn Bernardo and Daniel Padilla nang isorpresa ng huli ang una at biglang dumating sa tinutuluyan nito sa Hong Kong.

Sa kasalukuyan kasi ay nagsu-shoot si Kathryn sa HK ng pelikula nila ni Alden Richards at bagama’t ine-expect na rin naman natin na hindi makakatiis si Daniel at talagang dadalawin niya ang girlfriend, ‘yung reaksyon nilang dalawa lalo na si Kath, ‘yung higpit ng yakap nila sa isa’t isa, ‘yun ‘yung nagpaganda ng moment na ‘yun.

Bukod dito ay nag-post din si DJ ng short portion ng music video ng Ikaw ang Aking Mundo kung saan ay featured ang KathNiel. The song is composed and performed by Tiny Corpuz at kinunan ang MV sa Japan. Sobrang kinilig din ang fans sa 1 minute video na ‘yun na may caption na “isang produkto ng pagmamahal.”

Sa comments section ng video ay may paliwanag naman ang composed and singer na si Tiny kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng positive feedbacks.

“Salamat sa mga dms / pms / mention :) @adrepublika and i go way back, he’s family so is as @supremo_dp. This song is made for dj and @bernardokath . I watched the video first, and yun ang lumabas na pakiramdam. Kids and friends, i say to you... don’t loose that feeling, kung ano man yan, love, hope, peace kapitan niyo yan, samahan niyo ng dasal, respeto, at pagmamahal, you will go places. Much Love everybody,” ang post ni Tiny.

Anyway, bumilib naman ang KathNiel fans sa pagka-supportive boyfriend ni Daniel at siyempre, resibo rin ito kung gaano nito kamahal si Kathryn.

Jessy umaming hiniling sa Diyos si Luis

Kahapon (April 21) ay birthday ni Luis Manzano at siyempre pa, binigyan siya ng bonggang-bonggang birthday greetings ng girlfriend na si Jessy Mendiola sa Instagram.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Jessy na hiniling niya sa Diyos si Luis.

“Happy birthday my love!

“I prayed to God for you. I asked Him to guide me and help me meet a man who would take care and value me, then he gave me you. You’re everything I hoped for, maybe even more.

“You healed me in so many ways and gave me love when I thought I could never fall in love again. You taught me to be happy even when I’m constantly judged and misunderstood. You loved me even in my darkest days.

“My eyes are welling up as I type this birthday message for you because my heart is so happy that I’ve found someone like you. You are a blessing to me and I will forever cherish what God has given us.

“Thank you for making me feel secure and loved every single day. I love you with all my heart,” ang napakagandang birthday greetings ni Jessy kay Luis.

Halata namang na-touch ang TV host base sa kanyang reply sa comments section. “Awww i love you!!” ani Luis.

Jennylyn at Dennis may bagong bubuksang negosyo

Bukod sa successful cookie business nila na binuksan just last year, may iba pang negosyong planong buksan sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo pero hindi pa raw pwedeng i-reveal sa ngayon. Basta malaking business daw ito ay by next year pa raw siguro magma-materialize.

Mukhang pinaghahandaan na talaga nina Jen at Dennis ang future nila though kung tatanungin mo sila ngayon, pareho silang wala pang detal­yeng maibigay kung kaylan ba talaga nila balak lumagay sa tahimik.

Wala namang masama if ever na talagang magdedesisyon na sila to settle down since hindi na rin naman sila bumabata’t may mga anak na rin sila pareho sa kanilang pre­vious relationship.

Samantala, ngayong gabi (April 22, pagkatapos ng Sahaya) na magsisimula ang comeback drama series ni Jen na Love You Two kung saan ay first time niyang makakasama si Gabby Concepcion.

Kakaibang love triangle ang kwento ng Love You Two dahil magkapatid (played by Jen and Shaira Diaz) ang magkaribal sa isang lalaki (potrayed by Gabby). Pero light lang ang serye dahil romantic-comedy ang atake ni direk Irene Villamor.

Kasama rin sa serye sina Clint Bondad, Sheena Halili, Solenn Heussaff, Jerald Napoles, Kiray Cellis, Nar Cabico, Michelle Dee at marami pang iba.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with