Marian kamukha ang bunsong anak
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 22, 2019 - 12:00am

Ang cute ng baby boy nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Marian ang naglabas kahapon, Easter Sunday, sa kanyang Instagram account ng picture ni Jose Sixto Dantes IV na poging-pogi.

Nagkakaisa ang karamihan sa pagsasabi na kamukha ni Marian ang bagets pero maaga pa para sabihin ito dahil nagbabago ang mukha ng mga sanggol habang lumalaki.

Isa lang ang sigurado, star material si JSD4 dahil parehong mga good-looking ang mommy at daddy niya.

Matibay na kalooban…

Ang Koreanovela na My Mister ang pinapanood ko ngayon. Grabe siya dahil sa mga aral na natutunan ko, ang mga tao na failure sa buhay o discontented, gustung-gusto nila na maging biktima rin ang mga mahihina ang mga loob dahil ito ang kanilang satisfaction.

Type na type nila na mag-crumble ang mga kinaiinggitan o sinuman na insecure sila.

Ang isa pang aral, kahit ang pinakamahina na tao, may strength sa loob para mag-survive.

Ang galing on how you make the internal of a person crumbles kahit na ang exterior niya ay mukhang matibay.

Na ang bawat tao pala, kailangan na matibay ang panlabas pero mas matibay ang loob.

Malaking bagay ang suporta na makukuha around you para hindi ka totally madurog dahil nga you try to look strong.

At kahit anong hirap mo, may makukuha ka na tibay sa loob mo, basta nasa isip mo na gusto mong lumaban.

Hay naku, nagugulo na naman ako sa kapapanood ng mga Koreanovela kaya madalas na emotional ako.

Don’t hesitate, be brave

Natapos ko na rin ang pano­nood sa another Koreanovela na Reply 1988 at meron na naman akong nakuha na aral.

Ang kapalaran pala ng isang tao, hindi lang dahil sa fate kaya nagaganap. Malaking factor din ang timing at higit sa lahat, para mangyari sa’yo ang  itinakda sa iyo, kailangan na nasa crossroad ka para mag-decide ng  walang hesitation.

Hindi dapat iniisip ang ganito o ganoon, ang mga mawawala o makukuha.

Dapat desisyon muna at saka mo na isipin kung ano ang resulta dahil ‘yon ang magic ng fate.

Marami kasi ang pinalampas na pagkakataon, ang daming tanong sa isip kaya ‘yung kapalaran na dapat sa kanya mapunta, iba ang nakinabang.

Kung bata bata pa ako and I watched movies na may mga aral na ibinibigay, gagawin ko ‘yon na guide sa buhay ko.

But you only appreciate these things when you are a bit mature already. ‘Yung mga bagay na dapat sinusunod mo sa buhay, you only digest that fully kapag mature na ang isip mo.

Siguro I could have been a better person if I had all those lessons in life, in my mind and followed them. But no regrets, kasi nga sa life, hindi mo man makuha ang gusto mo o nagawa, ang importante, kung ano ka ngayon.

Basta nag-enjoy ka sa life mo, kung anuman path ang tinahak mo basta hindi ka nadapa at tinapakan okey lang. ‘Yun siguro ang talagang nakatakda sa’yo. Fate and timing, don’t hesitate, face it, be brave.

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with