^

Pang Movies

AiAi pinagtitiyagaan ang Ex Batallion

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
AiAi pinagtitiyagaan ang Ex Batallion
Ex Batallion, AiAi Delas Alas

Soundtrack pa lang ng pelikulang Sons of Nanay Sabel (SONS) na pinagbibidahan ni AiAi Delas Alas at Ex Batallion ay mahahalata mo na kung tungkol saan ang kanilang pelikula.

Sama-Sama ang title ng kanta na ini-release ng Viva Records at kinanta rin mismo ng Ex-B, sa ngayon ay meron na itong mahigit isang milyong views sa YouTube.

Ito rin ang first movie ng Ex-B with AiAi na kanila ring manager.

Kahit na umaabot sila diumano sa ilang takes kapag nasa shooting, matiyaga naman daw ang grupo na kabisaduhin ang kanilang scripts at sumailalim sa workshops. Hindi rin naman daw sila sinusukuan ni AiAi kahit na minsan na itong muntik bumitaw bilang kanilang manager.

Ang SONS ay handog ng Viva Films bilang pang-Mother’s Day special kaya naman sa May 1, 2019 ito ipapalabas.

Mahusay talagang mag-isip si AiAi kung paano niya ima-market ang grupong hinahawakan sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobesiyang kinasasangkutan ng mga ito. Dahil sa kanya ay natulungan niya ang mga ito na umasenso sa buhay, makapagpundar ng sariling mga bahay at gumanda ang takbo ng karera.

Mula sa panulat ni Mel Mendoza Del Rosario na siya ring nasa likod ng kuwento ng matagumpay na Tanging Ina ni AiAi, mapapanood na in cinemas nationwide ang Sons Of Nanay Sabel on May 1, 2019.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

EX BATALLION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with