Lorin tinalakan ang netizen na nakialam sa kanyang pagbubuyangyang
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Panalo ang sagot ni Lorin Gutierrez sa netizen na nag-comment ng “itago mo yang katawan mo iha... Wag mong ipangalandakan” sa post ni Lorin na naka-swimsuit.

“My body doesn’t belong to anyone else apart from me po. That means if i want to show it off, as long as my family is ok with it (which they are) then i will. Girls should be able to choose whether they want to be more conservative or showy depending on what they feel comfortable with, not for a ‘special na tao’ because that special person whoever they may be, doesn’t own me and should be ok with me being confident in my own skin. If they aren’t, they they aren’t special to me:) in conclusion, i will not make ‘tago’ my katawan ‘ for anyone else abd will continue to do what makes ME happy and confident and i encourage everyone else to do the same, whatever that may mean for them! thanks for your input though xx.”

Daniel lumanding sa HK para kay Kathryn

Nakunan ng litrato si Daniel Padilla na papasok na sa eroplano on his flight to Hong Kong para bisitahin ang GF na si Kathryn Bernardo na nasa Crown Colony at nagsu-shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.

Ang isa pang picture, nasa Hong Kong na sina Daniel at mga kasama and by this time, nakapagkwentuhan na ng todo sina Daniel at Kathryn. Napansin ang dalang malaking maleta ni Daniel, ang comment tuloy, parang magtatagal siya sa Hong Kong.

Ang sabi, hanggang first week sa Hong Kong ang shooting nina Kathryn at Alden Richards, kaya sa second week ng May, magkasama na rito sina Daniel at Kath, hindi na nila mami-miss ang isa’t isa.

May nakita na kaming photos at video ng reunion nina Daniel at Kathryn at super sweet ang dalawa. Hindi sila magbitaw sa sobrang higpit  nang pagkakayakap. Ang cute tingnan na nakalambitin si Kathryn sa leeg ni Daniel habang buhat-buhat siya ng aktor.

Nauna na palang dumating sa Hong Kong si Edward Barber para bisitahin naman si Maymay Entrata.

Gabbi at Michelle papasang magkapatid

Puwedeng gumanap na magkapatid sina Gabbi Garcia at Michelle Dee dahil magkahawig na, pareho pa ng kulay. Pati ayos ng buhok, pareho rin ang dalawa at hanggang sa katawan, pareho rin silang slim. Pagdating sa height, parang hindi rin sila nagkakalayo, si Michelle ay 5’10” ang height, hindi pa namin alam ang height ni Gabbi.

Sa presscon nga ng Love You Two, may nagbanggit kay Michelle na magkamukha sila ni Gabbi at ngumiti ang newcomer. Magkaibigan sila ni Gabbi at nababasa naming nagko-comment sila minsan sa post ng bawat isa. Maganda siguro kung pagsamahin silang dalawa ng GMA-7 sa isang teleserye.

Masaya si Michelle sa first regular teleserye niya sa GMA-7 dahil maganda ang role niya bilang si Mochi. Pagmamalaki nga nito, mapapanood na siya sa pilot episode kung saan, naganap ang unang pagkikita nina Jake (Gabby Concepcion) at Sam (Shaira Diaz).

Kylie at Jake, wini-wish na magtagal

Wala si Kylie Verzosa sa presscon ng S.O.N.S. o Sons of Nanay Sabel, hindi tuloy nalaman kung sino sa Ex-Battalion member ang love interest ng beauty queen. Sayang, hindi na-interview si Kylie na maganda ang takbo ng career at sunud-sunod ang pelikula sa Viva Films.

Hindi rin natanong si Kylie sa relasyon nila ni Jake Cuenca na sa feedback na nababasa namin, marami ang pabor sa kanilang relasyon. Kahit nga bago pa lang ang kanilang relasyon, marami na ang nagwi-wish na sila ang magkatuluyan dahil bagay na bagay daw ang dalawa.

Mahilig sa mga dugong banyaga si Jake, parang ngayon lang uli siya nagka-GF ng Pinay at kung may dugong banyaga man, dito pa rin ipinanganak at lumaki.

Ang wish ng shippers ng dalawa, magtagal ang kanilang relasyon at mas maganda kung sila na ang magkatuluyan.

Anyway, sa May 1, na ang showing ng S.O.N.S.  na mula sa direction ni Dado Lumibao. First movie ito ng Ex-Battalion na pinuri ni idrek Dado dahil mabilis daw nagamay ang kanilang role at buhay showbis.

LORIN GUTIERREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with