Super relate sa pelikula Tom matagal nang nakakaramdam ng kababalaghan
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Bata pa pala ay nakaka-experience na si Tom Rodriguez na may lugar siyang pinupuntahan na may nararamdaman siya o may nakikita siya, kung minsan, anino. Hindi raw naman siya matatakutin, kaya hindi niya pinapansin iyon.

Kaya nang i-offer kay Tom an horror film na Ma­ledicto, ang first ever locally-produced horror film ng Fox Networks Group Philippines at co-produced ng Cignal Entertainment at Unitel Productions, hindi siya tumanggi. Kapag ganoon daw naman ang role niya, lumalabas siya sa character na gina­gampanan niya.

“I am Father Xavi sa movie, a former psychologist who becomes a skeptical exorcist, matapos namatay ng isang tragic death ang sister niyang si Mara, played by Inah de Belen,” pakilala ni Tom sa character niya noong press launch ng movie. “Makikilala ko si Sister Barbie, played by Jasmine Curtis Smith, isang batang madre (nun) who has the gift of charism, kaya naman magkaiba ang paniniwala namin. Pero kaming dalawa ang naatasang pag-aralan ang case ni Agnes, played by Miles Ocampo, isang teenager na pinasukan ng demonic behaviour that rocks the foundation of the church.”

Tampok din sa Maledicto sina Eric Quizon, Martin Escudero, Franco Laurel, Nonie Buencamino, Liza Lo­rena at Menggie Cobarrubias. It will premiere on May 1, in cinemas nationwide. Abangan!

Studio 7 cast nagpasaya sa Pampanga, Tarlac, La Union, at Dagupan!

Mapapanood na rin ng mga televiewers ang pinakahihintay nilang North Luzon road tour ng musical variety show na Studio 7, na nagsimula sa Pampanga, Tarlac, La Union, at nagtapos sa CSI Dagupan Mall kasabay ng annual Bangus Festival celebration, titled Kapuso Concerts presents Studio 7: Musikalye in Dagupan.

Nag-perform sina Christian Bautista, Mark Bautista, Aicelle Santos, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Kate Valdez, Ken Chan, Sanya Lopez, at ang The Clash graduates Golden Cañedo, Mirriam Manalo, Jong Madaliday and Garrett Bolden.

Bukod sa mga sing and dance numbers, naging highlight din ang first-ever Musical Dating Game with the Kapusong Dagupenos na ikinatuwa ng lahat ng mga nanood. Labis namang nagpasalamat si Aicelle Santos dahil ito ang first public appearance niya after niyang makabalik mula sa Miss Saigon UK tour niya at muling maramdaman ang init ng pagsalubong sa kanyang pagbabalik.

Since ilang lugar ang pinuntahan ng Studio 7, mapapanood in three parts ang Musikalye in Dagupan, ngayong gabi, sa April 28 at sa May 12, 7:30 pm.

TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with