Anne inaasahang tutulong sa horror movie ni Jasmine
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Nagpapasalamat si Jasmine Curtis-Smith sa kanyang Ate Anne Curtis dahil sa suporta na binibigay nito sa paglabas niya sa shows ng GMA-7, most especially ang role niya bilang si Manisan sa pilot week ng Sahaya.

Gumanap si Jasmine bilang young Manisan na ang naging anak ay si Bianca Umali. Ang gumaganap na ngayong older Manisan ay si Mylene Dizon.

Natuwa nga si Jasmine sa tweet ng kanyang Ate Anne regarding her role sa Sahaya:

Siyempre ay natuwa si Jasmine dahil tumulong pa si Anne sa pag-promote ng Sahaya.

“Nagulat ako because hindi ko siya sinabihan or wala kaming family group chat na, ‘Huy, manuod kayo.’ Wala naman kaming ganun. She really saw it out of the blue on my Twitter and natuwa si Ate.

“Si Ate kasi, ‘pag humingi ka ng help to promote something, she’ll really post it for you and she doesn’t really care kung taga-kabila siya or may kasabayan siyang project because sisterhood. When she goes out of her way to retweet that or say something else, ibig sabihin, talagang gusto niya.

“Bihira lang namang may lumabas na tweet diyan na hindi K-pop or K-drama!

“Ibig sabihin, natuwa si ate and I’m thankful kasi galing na sa kanya yun, someone with more experience,” sey pa ni Jasmine.

Tiyak na tutulong din si Anne sa promotion ng kinabibilangan ni Jasmine na horror film na Maledicto na produced ng Unitel and FOX Network Group Philippines. Ginagampanan ni Anne ang role na Sister Barbie na may gift of charism or a an endowment or extraordinary power given by the Holy Spirit.

Makakasama pa rito ni Jasmine sina Tom Rodriguez, Eric Quizon, Inah de Belen, Miles Ocampo, Franco Laurel, Martin Escudero, Nonie Buencamino, Liza Lorena and Menggie Cobarrubias. Mula ito sa direksyon ni Mark Meily.

Mister ng Hollywood actress na si Salma Hayek nag-pledge ng $113 million para sa Notre Dame

Kabilang ang Mexican-American Hollywood actress na si Salma Hayek sa nalungkot dahil sa nangyaring devastating fire sa historic 856-year old Notre Dame Cathedral in Paris, France.

Ang Notre Dame Cathedral ang isa sa paborito nilang puntahan ng kanyang French millionaire husband na François-Henri Pinault.

Kaya naman nag-pledge si François ng $113 million para makatulong sa pag-rebuild ng Notre Dame Cathedral.

In-announce noong April 16 ni Pinault that he will take the funds from his family’s investment firm, Artemis in order “to participate in the effort that will be necessary for the complete reconstruction of Notre-Dame,” ayon pa sa report ng French newspaper, Le Figaro.

Ang 56-year old na si Pinault ay chairman and CEO of Kering, a Paris-based luxury group behind brands including Gucci, Yves Saint Laurent, Balenciaga and Alexander McQueen.

Kinasal sila ni Salma noong 2009 in Paris at ang kanilang residence ay malapit lang sa Notre Dame Cathedral.

“As many others I’m in deep shock and sadness to witness the beauty of Notre-Dame turn into smoke. I love you Paris,” post pa ni Hayek sa kanyang Instagram.Ang 82-year old father-in-law ni Salma na si François Pinault ay may net worth na $37.3 billion ayon Bloomberg’s Billionaire Index.

The Pinault family’s contribution is the first major donation to reconstruction efforts after the fire engulfed the historic structure, leading to the collapse of the structure’s main spire.

Ang iba pang pledges ay nanggaling kay Bernard Arnault, owner ng luxury goods group na LVMH na hawak ang brands na Moët Hennessy and Louis Vuitton SE among other brands. Nag-pledge ito ng $226 million toward reconstruction efforts.

Ang French oil and gas company Total, which is headquartered in Paris, also pledged another $113 million.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with