For the record kasal nina Sunshine at Cesar noon pa walang bisa
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Totoo ang nauna naming sinabi, wala nang masasabing impediment kung sakali man at mag-desisyon si Sunshine Cruz na magpakasal na sa kanyang boyfriend, dahil final na naman ang decision ng korte sa annulment ng kasal nila ng dating asawang si Cesar Montano.

Totoong matapos na lumabas ang desisyon ng korte sa annulment noong September 17, 2018, ay nagharap na muli ng motion for consideration ang Office of the Solicitor General sa pamamagitan ni Associate Solicitor Christian Castro, na humihiling na ipawalang bisa ang naunang kautusan ng korte, dahil sa kanyang opinion ang mga inilahad na ebidensiya ay maaaring maituring lamang na dahilan para sa isang legal separation at hindi annulment. Normal iyon sa OSG na magharap ng MR para sa mga kaso ng annulment.

Pero matapos na mapag-aralan ang motion for reconsi­deration, sinabi ng korte sa pamamagitan ni Judge Angelene Mary Quimpo-Sale, sinabi niyang nang mag-desisyon ang korte na ang kasal nina Sunshine at Cesar ay “void ab initio” ibig sabihin ay walang bisa sa simula’t simula, ay pinag-aralan ng hukuman ang lahat ng mga testimonya at mga ebidensiya upang masabing may kaso nga ng psychological incapacity si Cesar para gampanan ang kanyang tungkulin bilang asawa. Sinasabi ng korte na iyon, kasama na ang medical findings ng isang Dra. Villegas na tumestigo rin sa korte ay sapat na mga ebidensiya na para ibigay sa petitioner ang hinihinging annulment.

Kaya nga noon pang Pebrero 26, 2019, sinabi na ni Judge Angelene Mary Quimpo-Sale na ang motion for reconsideration nga iniharap ng OSG ay winawalang halaga na. Ibig sabihin ang desisyon ng korte sa annulment ay final na. Ang kasunod niyan ay ipaaalis na rin sa civil registrar ang record ng naunang kasal, ganoon din sa National Statistics Office na ang naunang kasal ay sinabi na ngang “void ab initio”. Ibig sabihin maaaring magpakasal si Sunshine. Maaari na rin siyang bigyan ng CENOMAR o certificate of no marriage.

Kaya maliwanag na walang impediment kung gustuhin man niyang mag-asawang muli.

May karanasan naman kasi kami bilang isang court reporter noong araw, at iniintindi naming mabuti kung ano ang pinalalabas na desisyon ng korte. Hindi rin kami bumabase sa hearsay, at kailangan makita namin ang kopya ng desisyon, na nakita naman namin, kaya namin sinasabi ang ganyan.

Donasyon para sa nasunog na simbahan sa Paris baka matulad din sa nangyari sa Yolanda victims

Iyong Walt Disney na gumawa ng animated film version noong Hunchback of Notre Dame ay nag-donate ng limang milyong dolyar para sa mu­ling pagtatayo ng Notre Dame Cathedral sa Paris. Sinasabing nagbigay rin ng milyong lyre ang Gucci at Louis Vuitton. Bilyong dolyar na raw ang duma­ting na donations para sa Notre Dame.

Naalala tuloy namin ang milyong dolyar ding dumating sa Pilipinas noong panahon ng Yolanda, dahil sa pagsisikap ng TV5, GMA-7 at ABS-CBN, ganoon din ang iba pang pribadong sektor kagaya ng Philippine Star. Ang sinasabi nga lang namin, sana huwag namang matulad doon sa malaking halagang ibinigay para sa mga biktima ng Yolanda na mahimalang nawala at sukat.

Isipin ninyo, tumulong sa Pilipinas noon pati ang actor na kanong si Paul Walker. Nangalap din ng donasyon bukod pa sa dumalaw talaga sa ground zero si Justin Bieber dahil sa mga biktima ng bagyong Yolanda, pero ang mga biktima at nabiktima nga ulit.

Hindi naman siguro mangyayari iyan sa bilyong dolyar para sa Notre Dame sa Paris.

SUNSHINE CRUZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with