Goma matagal ding nag-Kristo para kay Kuya Germs
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 21, 2019 - 12:00am

Happy Easter to all!

Naku, Ateng Salve, kapag ganitong katatapos ng Holy Week, naaalala ko ang GMA Supershow ng yumaong Master Showman na si German Moreno.

Madalas kasi na may Lenten presentation siya sa show na noong araw pa nga ay ilang beses gumanap bilang Jesus Christ ang ngayon ay mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez.

Kahapon nga ay kapalitan ko ng private message sa Instagram si Goma at ‘yon ang topic namin.

Sabi ng mister ni Representative Lucy Torres-Gomez, “Oo nga! Ang tagal na no’n nang nagki-Kristo ako para kay Kuya Germs.”

Anyway, marami sa atin ang back to work na simula bukas.

Ang mga taga-Kara Mia ng GMA 7 ay balik taping na bukas, kaya si Mike Tan daw ay hindi na lumayo pa at hanggang Tagaytay City lang daw sila para magpalamig dahil sobrang init din ngayon sa Maynila.

Keempee nagdasal at nagbasa ng Bible sa Semana Santa

Si Keempee de Leon, gusto sanang mag-Boracay noong Holy Week, pero nang mag-decide raw siya na mag-book ng flight at hotel accommodation, wala na raw siyang makuha.

Sa bahay nga lang daw siya dahil Born Again na siya at hindi na nagbi-Visita Ignelsia.

“Nagbasa lang ako ng bible at nag-pray,” sabi niya.

Solo lang si Keempee dahil hindi naman siga married, although may isa siyang anak na babae na nasa California.

Sa Tuesday ay balik-taping daw sila para sa Nang Ngumiti Ang Langit, ang morning series ng ABS-CBN.

Raymond at Richard, nag-bonding sa Hawaii

Para kay Raymond Gutierrez, pinaka-bonding na nila ng twin-brother niyang si Richard Gutierrez ‘yung pag-attend nila ng wedding ng son ng family-friend nilang si Mary Ann Opeña sa Maui, Hawaii.

Ilang weeks din kasi sa Los Angeles, California si Raymond, kaya na-happy siya na nagkita sila ni Richard sa Maui.

Naka-bonding din doon ni Raymond sina Sarah Lahbati, Zion, Elvis Gutierrez and Alexa and Aria.

“Masaya kapag marami kayo,” sey ni Raymond.

May aayusin na ilang endorsements si Raymond sa Pilipinas, kaya uuwi kaagad siya.

“Pero aalis kami ni Chard for the US very soon,” sabi niya at saka na raw niya ikukuwento ang gagawin nila roon.

Sina Richard, Sarah at Zion nga pala ay maiiwan pa sa Maui at mag-Oahu sila, kaya next week pa sila makakabalik ng bansa.

Nag-enjoy nga pala si Raymond sa Maui dahil nakapag-snorkling pa siya.

Aminado naman si Raymond na noon ay hindi siya mahilig mag-beach dahil ang laki pa nga niya, pero ngayon nga ay sobrang fit na siya kaya palagi na niyang naidi-display ang kanyang katawan.

RICHARD GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with