^

Pang Movies

Eerie pabalik-balik sa sinehan!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Eerie pabalik-balik sa sinehan!

Walang nagbukas na local movie/s last Saturday sa mga sinehan.

Usually ay nag-uunahan ang mga producer sa nasabing playdate pero iba this year. Ang rason: Ang Avengers Endgame na mag-uumpisang mapanood sa Miyerkules.

Kaya ang Eerie nina Ms. Charo Santos and Bea Alonzo ang ibinalik kahapon para mapanood ng mga nagdagsaan sa mall.

Almost a month na itong palabas at pabalik-balik sa mga sinehan.

Someone Like... 2 years lang sa mister

Ang bilis naman, hiwalay na agad ang English singer na si Adele na sumikat sa kantang Someone Like You sa kanyang asawa. Dalawang taon lang tumagal ang kanila pagsasama. “Adele and her partner have separated. They are committed to raising their son together lovingly. As always they ask for privacy,” sabi sa statement ng kampo ng singer.

Wow parang affected tayo.

Kapuso Milyonation, mamimigay ng higit P10 milyon!

Wow, simula ngayong April 21, higit P10 milyong halaga ng mga papremyo ang ipamimigay ng GMA Network para sa 14th season ng nationwide proof-of-purchase promo nito na Kapuso Milyonation!

Sa loob ng 12 linggo ng Kapuso Milyonation, higit 1,600 participants ang mananalo ng weekly cash prizes at home appliances, kabilang na rin dito ang surprise winner ng P200,000.

Sa Grand Draw, lahat ng non-winning entries ay may pagkakataon namang manalo ng isang brand new house and lot at lima rin ang maswerteng mananalo ng P1 million each mula sa partner sponsors. Lahat ng premyo ay tax-free!  

Para sumali, ilakip lamang sa isang plain white envelope ang proof-of-purchase mula sa participating brands.

Sa loob ng entry, isulat ang buong pangalan, edad, address, contact details, at sariling pirma. Sa likod naman ng envelope, isulat ang “Kapuso Milyonation”, ang brand na nailakip, at ang region kung saan nakatira.

May karagdagang papremyo rin na maaa­ring mapanalunan kapag sinama ang detalye ng sari-sari store na pinagbilhan ng proof-of-purchase!

Ihulog ang entry na may kumpletong detalye at may kalakip na proof-of-purchase sa drop boxes na matatagpuan sa GMA stations, at piling Mercury Drug at Cebuana Lhuiller branches nationwide. Maaring sumali sa Kapuso Milyonation mula April 21 hanggang July 12, 2019.

Ang pangalan ng mga maswerteng mananalo ay ia-announce on-air sa Sunday Pinasaya at Wowowin sa GMA-7.

At may paalala sila: Mag-ingat sa mga text scams na gumagamit ng pangalan ng GMA Network at GMA Kapuso Milyonation para mag-solicit ng pera.

So ‘wag basta-basta maniwala kung may tumawag at mag-text sa inyo na nanalo kayo.

vuukle comment

BEA ALONZO

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with