Bianca
Bianca may taping kahit santong araw...
#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Magkaiba ang plano ngayong Mahal na Araw ng rumoured lovers na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Ayon kay Ruru, sa Pangasinan niya palilipasin ang Holy Week kasama ang pamilya at buong clan nila. Hanggang Easter Sunday sila roon.

Si Bianca, mananatili sa location ng Sahaya sa Calatagan, Batangas. Hanggang nu’ng Miyerkules Santo eh taping pa rin ang ginagawa niya.

“Napakalayo po ng location namin but then, we chose to stay there. We chose to work hard and magtuluy-tuloy para lang po makapag-deliver kami kung ano ‘yung magpapasaya ng mga tao,” saad ni Bianca.

Nasa Maldives naman ngayon si Andrea Torres. Doon naman siya magpapakita ng alindog bago sumabak sa romansa kay Derek Ramsay sa The Better Woman series nila.

Unang tuntong naman ni Jak Roberto sa Japan. Todo kain siya ng Japanese food kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza at sister ng Kapuso actor na si Sanya Lopez.

Nasa Amerika naman si Solenn Heussaff kasama ang asawang si Nico Bolzico, sister in law na si Anne Curtis at hubby na si Erwan Heussaff.

 Visita Iglesia pinag-uusapang kung 7 o 14 na simbahan!

Ngayong Huwebes Santo, ang tradisyunal na Visita Iglesia ang ginagawa ng mga Pinoy.

Pero sa tuwina ay confused ang mga Pinoy kung 7 o 14 na simbahan ang dapat puntahan. Rason ng ilan na 14 na simbahan ang pinupuntahan eh dahil 14 din ang Station of The Cross.

Pero ayon kay Fr. Mhar Balili, parish priest ng Archdiocesan Shrine of San Roque Cebu sa GMA News Online, “Historically, it would then be seven.

Saad pa ng parish priest, “nagsimula ang tradisyon nu’ng time ni Philip Neri noon taong 1553 na pitong simbahan ang binisita kasama ang mga kaibigan.”

Sa paglipas ng panahon, barkadahan na ang ginagawang Visita Iglesia with matching groupie sa kada church na puntahan, huh!

Kasama man ang barkada o solo flight lang, huwag nating kalimutan ang mensahe na hatid ng Visita Iglesia sa atin.

BIANCA UMALI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with