Jasmine kasosyo ng BF sa bagong bukas na boutique hotel sa La Union
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Lumipad ng La Union si Jasmine Curtis Smith last Holy Tuesday pagkatapos ng presscon ng horror film niyang Maledicto. She’s spending the Holy Week there kasama ang kanyang businessman boyfriend na si Jeff Ortega.

May binuksan pala silang boutique hotel sa naturang lugar kaya babantayan nila ang soft opening and at the same time, bakasyon na rin.

“Ako ‘yung mas vacation, ‘yung boyfriend ko ang mas working,” natatawang sey ni Jasmine. “Siya na muna, siya ‘yung manager do’n. eh.”

Incorporator lang naman daw siya sa boutique hotel at ang real owner daw ay si Jeff at mga kasosyo nito.

“I’m just part of it na nakikitulong of course with marketing, with visual ideas, whatever they need,” sey pa ni Jasmine.

First joint venture business ito ni Jasmine at BF at learning venue na rin daw ito sa aktres para naman sa sariling negosyo niya if ever na magtatayo siya in the future.

Apparently ay naghahanda na si Jasmine at Jeff sa kanilang future at aminado naman ang aktres na parang mutual understanding na nila na magsisimula muna sila dito dahil siya naman ay marami pa raw na gustong ma-achieve.

“Ako, on my own, especially, ang dami ko pang gustong ma-achieve on my own na hindi siya kasama as a boyfriend or as a life partner or as a husband already. Siyempre, gusto kong ma-experience ang mga ganitong process, ganitong learnings. I mean, ganitong learnings, other than what we’ll experience together,” sey ni Jasmine.

Siyempre, kailangan din naman daw nilang magkaroon ng sariling achievements.

“Para when the time comes na kami na talaga and we… you know, tie the knot, God-willing na kami talaga in the end, then we can be sure na walang regrets,” she said.

Inspirasyon daw nila ang kanyang ate Anne Curtis na kahit married na ay may sarili pa ring individuality, gayundin ang mister nitong si Erwan Heussaff.

Samantala, sa Maledicto ay gina­gampanan ni Jasmine ang papel na isang madre na first time raw niya na ginampanan. Kasama niya sa pelikula sina Miles Ocampo, Tom Rodriguez, Inah de Belen at iba pa mula sa direksyon ni Mark Meily.

Showing na sa mga sinehan ngayong May 1 ang Maledicto, ang first local film produced ng Fox Network Group Philippines, co-produced by Cignal Entertainment and Unitel.

Alden may gagawing misyon

Ngayong Sabado de Gloria (Black Saturday), bibida si Alden Richards sa Holy Week presentation ng APT Entertainment titled The Journey.

Ang The Journey ay kwento ni Adrian (Alden) na nabuhay noong post-apocalyptic era where humans have become barbaric and murderous creatures.

His only way of survival was to become a hermit. But one day, an abandoned baby is left under his care.  And to make things more difficult for Adrian, he is forced to take on a mission of bringing the infant to a safe haven.

This movie for TV is directed by multi-awarded film and TV director Michael B. Tuviera, who has made APT presentations a commitment to their viewers.

The Journey will be shown on April 20, Black Saturday at 7:00pm on GMA-7.

JASMINE CURTIS SMITH L
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with