AJ Perez naka-8th death anniversary na
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Alam mo Ateng Salve, kahapon, ginunita ng pamilya at mga nagmamahal kay AJ Perez ang kanyang 8th death anniversary.

Isa sa promising young actors ng ABS-CBN si AJ nang pumanaw siya dahil sa vehicular accident sa may Tarlac. Galing sa isang show sa Dagupan ang grupo ni AJ nang bumangga sila sa kasalubong nila na bus.

Bale two months pa lang after ng kanyang 18th birthday nang bawian ng buhay si AJ.

Hanggang ngayon, malapit pa rin ang pamilya ni AJ sa mga dati niyang nakasama sa showbiz.

Paminsan-minsan ay nakaka-message ko pa rin ang tatay ni AJ, si Daddy Gerry na kilala sa pagkakaroon ng magandang PR.

Leila nagbakasyon muna kasama ang ama

Nagbago ng isipan si Leila Alcasid at after Easter na lang siya pupunta sa Sydney, Australia para dalawin ang nanay na si Michelle van Eimeren, kapatid na si Sarah Alcasid at step-father na si Mark Morrow.

Sumama nga muna si Leila sa kanyang tatay na si Ogie Alcasid, stepmother na si Regine Velasquez-Alcasid, sa kapatid na si Nate at sa buong pamilya ng Alcasid at Velasquez sa Balesin Island.

Kuwento ni Ogie sa akin, Monday pa sila umalis ng Maynila dahil wala na silang work ni Regine.

Bale hanggang Sunday sila sa Balesin dahil noong last Sunday ay nag-taping na sila ng ASAP Natin ‘To, kaya may konting pahinga pa sila roon pagkatapos ng kanilang special show on Saturday.

“After, we’re back to work at aalis naman si Leila for Sydney on Monday,” sey ni Ogie.

Sylvia sinundo ng asawa sa Dubai

Kagabi naman nakabalik ng bansa mula sa ilang araw na pananatili sa Dubai, United Arab Emirates ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez.

Bale nag-shooting siya roon para sa isang OFW movie.

Nakasabay niya roon ang iba pang stars ng pelikula na sina Christian Vasquez at Rafael Rosell, pero wala raw silang eksena na magkakasama.

Bale nakapagpahinga rin daw siya for three days dahil after ng kanyang mga eksena, sumunod naman sa Dubai ang mister niyang si Art Atayde.

“Pahinga lang kami, kaya pagdating sa Maynila, hindi na kami mag-out of town. Sa bahay na lang siguro,” sabi ng aktres.

Darna sa newcomer na ibibigay

May mga nagpapanukala pala na isang newcomer ang i-launch ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN, para sa kanilang Darna movie.

Tiyak daw kasing big star kaagad ang baguhang ‘yon kapag napunta sa kanya ang lead role sa nasabing pelikula.

Napaka-iconic nga naman ng superheroine na si Darna, kaya asahan na kung baguhan ang magbibida roon ay magniningning kaagad!

Anyway, marami ang nae-excite sa big announcement ng Kapamilya network kung kanino ba talaga mapupunta ang Darna role sa kanilang pelikula.

Si Pia Wurtzbach, nagpahayag na willing siyang mag-Darna, pero hindi ba noong una ay matunog na siya ang gaganap na Valentina?

Oh, well, abang-abang na lang sa announcement tungkol doon!

AJ PEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with