Joshua, Julia
Julia at Joshua unti-unti nang naghihiwalay!
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Hindi pa rin gini-give up ni Julia Barretto ang pangarap niyang ma­ging pre-school teacher na siyang pinupuntirya niya bago siya pumalaot sa pelikula.

“I have always been fond of children, I still am.

“But as God willed, heto at like most of my relatives, especially on my mother’s side, nasa showbiz din ako, which of course, I don’t regret,” ani Julia.

Ka-loveteam noong una ni Joshua Garcia ang kanyang fellow housemate sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother na si Loisa Andalio. Hindi raw pumasok sa isip ni Julia, maging ni Joshua, na magiging magkatambal sila.

Of Julia pa rin, pareho siyang naipareha kina Inigo Pascual at Enrique Gil.

The movie which gave Star Cinema the idea that they would make an ideal loveteam was Vince and Kath and James na pinagbidahan nilang dalawa kasama si Ronnie Alonte, na sinundan ng I Love You To The Stars And Back, Unexpectedly Yours with Sharon Cuneta at Robin Padilla at I Love You Hater with Kris Aquino.

Hindi rin nagtagal ay sumabak na sila sa teleserye at napanood sila sa Ngayon At Kailanman kasama sina Iza Calzado at Alice Dixson.

Hindi inililihim ng Megastar na si Sharon ang paghanga niya sa dalawa as a tandem nang makasama niya ang mga ito.

Having experienced na magkaroon din ng ka-loveteam, Sharon knew, Julia and Joshua were not just an emerging loveteam, but definitely, the loveteam to watch.

Well, sayang nga lang dahil sa bagong pelikula ni Julia na Between Maybes ay hindi si Joshua ang kanyang ka-partner, kung hindi si Gerald Anderson.

May bagong project din daw si Joshua na ang kasama naman ay no less than si Ms. Charo Santos-Concio.

Maris at Inigo nagkalabuan na?!

Wala na nga ba ang Marnigo (Maris Racal-Inigo Pascual loveteam)? There was a time kasi na hindi sila mapaghiwalay. Palagi silang magkasama, at kapag sa mga interview, hindi makukumpleto ang kuwento nila na wala ang isa’t isa.

They have so many things in common, lalung-lalo na ang pagmamahal sa musika. Hindi lang magaling kumanta ang dalawang ito, kung hindi magaling din silang mag-compose ng mga kanta. Pero lately, nababalitang hindi na raw sila madalas magkasama.

Ganunpaman, magkasama ngayon sina Maris at Inigo sa Father And Son 2019 US Tour nila nina Piolo Pascual at Pokwang na nag-umpisa na noong April 12, at mukhang wala naman silang problema. Pero ayon sa IG story ng dalawa, magkaibang grupo ang kasa-kasama nilang mamasyal at maglibot.

Maymay ‘sir’ ang turing kay Alden

Biggest challenge daw para kay Maymay Entrata ang makasama sa cast ng first movie together nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.

Bukod sa si Direk Cathy Garcia-Molina ang magdidirek ng nasabing movie, kukunan pa ang kabuuan nito sa Hong Kong.

Malungkot lang si Maymay dahil hindi niya kasama ang ka-loveteam na si Edward Barber sa pelikula.

Ganunpaman, maganda raw ang role niya sa movie na ayaw pa niyang ikuwento. Much less sa detalye.

Hindi kaya magkaroon siya ng kissing scene with Alden? Biro namin. Payag ba siya, if ever, dagdag tanong namin. “Naku, I doubt it,” sagot ni Maymay. “Although, I’m not really sure how I will react, if ever. But, one thing I’m sure, nagaguwapuhan ako kay sir Alden.”

Sir ang tawag ni Maymay kay Alden.

Shaira willing magpahalik kay Gabby!

Maganda ang project sa TV ni Shaira Diaz, na willing diumanong makipag-kissing scene kay Gabby Concepcion sa serye nilang Love You Two with Jennylyn Mercado at directed by Irene Villamor.

Si Shaira ay ex-girlfriend ni Edgar Allan Guzman at napapabalitang nagkabalikan na raw sila.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with