Josephine Estrada
Namatay na aktres/beauty queen naging kontrobersyal noong kabataan
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - April 18, 2019 - 12:00am

Oo naman, natatandaan namin si Josephine Estrada, ang dating Miss Philippines na lumaban sa Miss Universe noong 1962 sa Miami Beach, Florida. Matangkad na babae siya at maganda talaga, na naging contract star ng Sampaguita Pictures.

Kontrobersiyal din siya noong araw, lalo na ang ermat niyang si Mrs. Brown. May dugong kano naman talaga si Josephine.

Nakakalungkot din ang balita na pumanaw na siya noong isang araw lang sa US kung saan siya namalagi matapos na talikuran ang kanyang showbiz career. Naging madali naman sa kanya ang mag-migrate dahil Kano nga ang tatay niya.

Biruan ng dalawang actor, nauwi sa mainit na halikan!

Nagsimula lang naman daw iyon sa biro ng isang male star na “kissable ang lips ko”.  Sinagot naman iyon nang pabiro ng isa pang male star na kasama niya sa pelikula, “pasubok nga”. Nauwi na iyon sa mainit na halikan ng dalawang pogi habang nanonood lang naman sa kanila ang isa pa nilang male co-star na kainuman din nilang dalawa.

Hindi maliwanag sa amin ang kuwento kung sumali pa nga ang ikatlong male star, basta ang mainit na halikan daw noong dalawa ay nauwi pa sa alam na ninyo kung ano.

Mahal na araw, walang pakialam iyang mga beking iyan talaga.

Geoff at Maya itatama ang relasyon

Wala pa naman silang sinasabi kung kailan sila magpapakasal, pero para kina Geoff Eigenmann at sa kanyang girlfriend, ang singer na si Maya Flores, desidido na silang magpakasal.

Noong isang araw lang daw nagyaya ng kasal si Geoff, at sumagot naman ng “oo” ang kanyang girlfriend. Nagkaroon na rin naman sila ng pagkakataong makilala ang isa’t isa at matagal na rin naman ang kanilang relasyon.

Nasa tamang edad na rin naman sila pareho para lumagay sa tahimik. Established naman ang kanilang career at alam nila ang responsibilidad ng pagkakaroon ng pamilya. Aba kung sa ganyang sitwasyon nga, sige na.

Bihira na nga sa mga kabataan ngayon ang nag-iisip na mailagay sa ayos ang kanilang pamilya. Marami ang mga kabataan ngayon na basta nagkagustuhan magsasama na lang. Marami ang nagsasabi na iyang kasal, “kapirasong papel” lamang. May nagsasabi pang mas mabuti ang mag-live in na lang para kung may problema madaling maghiwalay. Pero kung ganoon, nasaan nga ba ang paniniwala nila sa forever? Sa ganoong sitwasyon, talo rin ang babae.

Ilan na nga bang mga artista ang nakita nating ganyan. Nag-live in nang ilang taon. Tapos bigla na lang split na sila. Papaano naman ang babaing basta naiwan? Eh dito sa Pilipinas mahirap nang makahanap ng isang lalaking ok lang kahit na hindi na dalaga ang pakakasalan. Eh ano ang mangyayari, live in na lang nang live in habang panahon?

Kaya nga natutuwa kami kung may nababalitaan kaming kagaya nina Geoff at Maya na gustong magpakasal at simulan nang tama ang pagbubuo nila ng kanilang pamilya.

JOSEPHINE ESTRADA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with