^

Pang Movies

Dingdong nagpasalamat sa mga nagdasal sa panganganak ni Marian!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dingdong nagpasalamat sa mga nagdasal sa panganganak ni Marian!
Dingdong Dantes

Nagpasalamat si Dingdong Dantes kahapon sa mga nagdasal para sa panganganak ng misis niyang si Marian Rivera na sampung oras palang nag-labor.

Pinangalanan nila ang baby nila na Jose Sixto G. Dantes IV.

“Yahoo! After around 10 hours of labor, Marian finally gave birth to our baby boy at 1:35pm today.

Thank you very much for praying with us.

Welcome to the world, Jose Sixto G. Dantes IV!,” tweet ni Dong kagabi sa paglabas sa mundo ng kapatid na panganay nilang si Zia.

Congrats Dingdong and Marian.

Jose Mari Gonzales namaalam na

Namatay na ang former matinee idol na si Jose Mari Gonzales.

Mismong si Cristina Gonzales-Romualdez ang nagbalita sa pamamaa­lam ng ama.

“Goodbye Dad! You have been a Blessing to Mom me jolong mike anna chemari and to our whole family. I am blessed to have you as my father. So many good memories with you and Mom since we were little never failing to take us with you on your trips out of town. Being quite strict to us but within reason. I have learned so much from you. You will always be in our hearts! We love you Dad!,” post ni outgoing Tacloban Mayor Cristina Gonzales sa kanyang Facebook account.

Binawian siya ng buhay kahapon, 6:30 am dahil sa pneumonia at cardiac arrest sa ICU ng Asian Hospital ayon naman sa post ni tita Aster Amoyo.

Eighty years old ang dating matinee idol, businessman, musician, politician and former president ng RPN 9.

Paglalamayan siya sa Heritage Memorial Chapel sa Taguig simula ngayong araw.

Darren tutuluyan sa gayness si JK

Holy Wednesday na pero matigas ang pahayag ng abogado ni Darren Espanto na walang urungan ang demanda ng kampo nito na cyber liber laban kay JK Labajo.

Actually, hindi na bago ang nasabing isyu dahil last March pa ito nang i-file sa korte pero kahapon lang may nakausap na reporter si Atty. Kapunan.

Nag-hearing na raw ang kaso ng dalawang beses ayon sa source.

Nagsimula lang ang isyu sa ‘gayness’ statement ni JK sa twitter na ikinasama ng loob ng kampo ni Darren dahil noon palang sabay silang sumali sa The Voice Kids ay ang nanay pa ni Darren ang tumutulong kay JK dahil nga kakamatay lang ng nanay noon ng ‘Buwan’ singer.

So masusubukan dito kung sino ang magwawagi.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with