Bossing at Pauleen panay ang bakasyon
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - April 17, 2019 - 12:00am

Para sa Holy Wednesday EB Lenten Special today, sa Oita, Japan naman nag-taping sina Bossing Vic Sotto, Pauleen Luna, Jose Manalo, Jimmy Santos, Allan K, Rizza Mae Dizon at Luane Dy.

 Ayon kay Bossing, sa story, isa siyang OFW na 15 years nang nasa Japan at namamahala sa isang flower plantation doon.  Story raw ng family, pagkakaibigan at pagpapatawad ang Ikigai na dinirek ni Ricky Davao.  Mapapanood ito ngayong 12:00 noon sa GMA 7.

Sa San Francisco, California naman nagpapalipas ng Holy Week ang mag-asawang Vic at Pauleen, kasama ang kanilang unica hija, si Talitha Maria.

Bianca at Miguel walang pahinga sa Mahal na Araw

Hindi na pala itinuloy nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang Holy Week vacation nila dahil tuluy-tuloy ang taping nila ng Sahaya. Ipinasya na nilang mag-stay na lamang sa location, since malayo ang Calatagan, Batangas at ngayon, Holy Wednesday ay may taping sila.

Inamin ni Bianca na mahirap ang taping nila dahil lagi silang nasa ilalim ng init ng araw at sa dagat.  Pero thankful naman sila sa mga pagbating tinatanggap nila mula sa netizens na patuloy na sumusubaybay sa kanila gabi-gabi. Sa ngayon daw ay may pagbabago sa character ni Sahaya at iyon daw ang dapat abangan.

Bukod sa Sahaya ay nagsu-shooting din sina Bianca at Miguel ng Family History kasama sila nina Michael V at Dawn Zulueta.

Aminado si Bianca na na-starstruck siya kay Dawn nang una niya itong makita at hanggang sa ngayon, kapag magkasama sila sa eksena ng movie na first directorial job ni Michael V.

Every Sunday naman ay magka-love team din sina Bianca at Miguel sa noontime musical variety show na Sunday Pinasaya.

Solenn hindi ma-cell phone ‘pag nasa abroad

Kasalukuyang nasa USA ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico kasama ang mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis.

Sa presscon ng bagong romantic-comedy series ni Solenn, ang tele-pelikulang Love You Two nina Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado, ikinuwento ni Solenn na nag-o-observe rin siya ng Holy Week tradition like nagpa-fasting siya, she gives up everything like meat, bacon, alcohol, sugar and she tries to reduce the use of her cell phone kapag nasa abroad siya at nagbabakasyon. Nagtsi-check daw lamang siya sa umaga kung may schedule siya ng work, hindi na niya binabasa iyong iba na hindi naman important.

Sa Love You Two, si Solenn ay si Lianne, Jake’s (Gabby) free-spirited ex-fiancee but they remained friends even  after they break-up.  Mapapanood na ang world premiere ng Love You Two na dinidirek ni Irene Villamor sa Monday, April 22, sa primetime telebabad ng GMA 7.

PAULEEN LUNA VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with