Pauleen namatayan ng aso habang nagbabakasyon
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - April 16, 2019 - 12:00am

Nagbabakasyon sa California sina Vic Sotto, Pauleen Luna at ang kanilang anak na si Talitha nang malaman nila ang sad news na namatay si Simon, ang pet dog ni Pauleen.

Siyempre, malungkot na malungkot si Pauleen sa sudden death ni Simon at nakaka-relate ako sa sadness niya dahil kamamatay lang ng pet dog ko na si Tiny.

Ang feeling ni Pauleen, sinadya ni Simon na magpaalam habang wala siya dahil alam ng kanyang pet dog na baka hindi niya kayanin ang malungkot na pangyayari.

Dahil malayo siya, walang nagawa si Pauleen kundi ang mag-post ng message para kay Simon na thirteen years na naging source of happiness niya.

“For 13 years, you gave me and my family unconditional love. You really had to pass while we’re away....

“I guess you knew I wouldn’t be able to handle it if I was there. Thank you, Simon. You will forever be my first. I love you,” ang so sad na message ni Pauleen para kay Simon.

Sinamantala nina Bossing at Pauleen ang mahaba-haba na bakasyon para makapagpahinga sila sa Amerika.

Bago sila umalis papunta sa US, nakapag-taping ang mag-asawa para sa Lenten Presentation ng Eat Bulaga kaya mapapanood pa rin sila sa telebisyon.

Walang Eat Bulaga mula Maundy Thursday hanggang Black Saturday kaya may time ang Dabarkads na magpahinga dahil sa darating na Lunes, sure na live na uli ang kanilang programa.

Bong ngayon lang uli makikita ang Bora

Rest din ang mga kandidato ngayong Holy Week na ilang linggo nang nangangampanya at nakabilad sa matin­ding sikat ng araw.

Pahinga muna ang mga candidate sa midterm elections dahil kailangan nila na makabawi ng lakas. Hindi biro ang maghapon at magdamag na pag-iikot nila para suyuin ang mga botante na ihalal sila.

Importante sa mga kandidato ang pahinga dahil ratsada na naman sila sa pangangampanya.

Ang buong pamilya nina Bong Revilla, Jr. at Lani Mercado, lilipad sa Boracay sa Maundy Thursday para doon magpahinga.

Ngayon na lang uli makakabalik si Bong sa Boracay mula nang makulong siya sa PNP Custodial Center ng Camp Crame na apat at kalahating taon.

I’m sure, magugulat si Bong dahil ibang-iba na ang Boracay buhat nang ipag-utos ni President Rodrigo Duterte na isailalim sa rehabilitation ang isla.

Doble ingat ngayong Semana Santa…

Nagsimula nang mag-uwian sa probinsya ang marami sa mga kababayan natin para gunitain ang Semana Santa at magbakasyon.

Mag-ingat sana ang mga magbibiyahe para ligtas sila na makarating sa mga pupuntahan nila.

Ang mga magmamaneho ng mga sasakyan, dapat maganda ang kondisyon, huwag inaantok at higit sa lahat, hindi lasing.

Dapat na maayos din ang kondisyon ng sasakyan para tiyak na malayo sa disgrasya. Nakakatakot ang biyahe kapag hindi handa at hindi maayos ang lahat.

Mas doble ang pag-iingat sa biyahe kapag kasama ang pamilya. Mag-ingat po tayo dahil mas madali na i -check ang lahat bago umalis. Ayusin po natin na mabuti. Be safe in your travel and enjoy.

PAULEEN LUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with