^

Pang Movies

Kim napansin kahit malusog ang hitsura

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kim napansin kahit malusog ang hitsura
Kim Rodriguez

Nag-hot post sa social monitoring platform si Kim Rodriguez.

Wala na siya actually sa kamalayan ng fans dahil matagal na siyang walang paramdam sa GMA 7 pero napansin ang bikini post niya habang nasa Boracay.

Healthy looking si Kim sa kanyang 2-piece bikini habang nagpapalamig sa Bora.

Isa siya dati actually sa may pinaka-pretty face nung nagsisimula sa showbiz pero hindi masyadong naayos ang career kaya naglahong hindi napansin.

Na-link siya noon sa isang pulitiko at sinasabing nagkaroon sila ng anak pero wala naman proof na lumabas na nagluwal siya ng baby.

Kris tinapos na ang pamamahinga sa social media

Balik-Instagram si Kris Aquino kahapon.

Pinagtanggol niya ang kanyang kuya Noynoy Aquino. Wala siyang pinangalanan pero hulang-hula ng followers niya ang kanyang tinutukoy.

In a nutshell, sinisisi ng taong ‘yun si former president Noynoy na kaya siya natalo sa nakaraang presidential election ay dahil sa pagsusuot ng kulay dilaw.  Pero nagsalita si Kris na ilang araw nang inactive sa social media na ‘you lost not because of Batman, You lost because you were no match of Ironman.’

Wala pang one week nang magpaalam si Ms. Kris na pahinga muna siya sa social media nung nasa Japan siya pero base sa post niya, hindi niya kayang tanggapin ang mga sinasabi ng dati nilang kakampi.

KIM RODRIGUEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with