^

Pang Movies

Richard Poon inilabas ang kantang ginawa 16 years ago

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Richard Poon inilabas ang kantang ginawa 16 years ago

Perfect ang bagong single ni Richard Poon na Take You Home para sa Lenten season na puwedeng pangnilay-nilay 

Touching ang lyrics ng kanta na isinulat mismo ni Richard, 16 years ago na ang nakalilipas. Sariling kuwento ito ni Richard na noon ay feeling rejected kaya naglayas at iniwan ang pamilya pati business nila.

Nagtayo si Richard ng sariling negosyo pero agad na nalugi, kasunod nito ang pagkawala rin ng kanyang savings, nabaon sa utang, and the rest is history.

Kaya pala tagos sa puso dahil mismong si Richard ay nakaranas din ng depression sa kanyang buhay. Mabuti na lang ay ibinaling niya ang sarili sa mga kanta ni Frank Sinatra at Michael Bublé songs.

Mas gumanda ang nasabing kanta nang gawan niya ito ng music video na animated ang theme kaya marami ang naaliw na fans. Catchy daw ito.

In fairness ay super galing at ganda ng new single niya.

Ang daming naka-miss kay Richard na walang kupas pa rin ang ganda ng quality ng boses nito.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak ng asawang aktres na si Maricar Reyes. Gumagawa sila madalas ng vlog tungkol sa kung paano mapapatibay ang relasyong ng dalawang taong nagmamahalan kung saan ibinabase nila sa kanila.

vuukle comment

RICHARD POON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with