Jericho laging napapagkamalang restaurant owner
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - April 13, 2019 - 12:00am

Kumain kami sa Kuya J restaurant kahapon at tanong ng isang kasama ko, “Kay Jericho Rosales ba talaga ‘to?”

Maraming nag-aakalang kay Jericho ang restaurant chain na ine-endorse niya.

Sa pa-raffle niya sa thanksgiving press­con ng Halik para sa kanilang last three weeks, gift certificates ng nasabing restaurant ang prizes na ipinamigay niya.

Speaking of Halik, maraming mga fan ng nasabing primetime series ng ABS-CBN ang nanghihinayang na tatapusin na ‘yon

Kung ang ibang series na nag-e-extend ay kinabubuwisitan na, ang Halik naman, ayaw pang ipatapos ng viewers.

Maine at Arjo hindi na nakikitang magkasama

‘Kaloka ang ibang fans, nagre-react pala sila dahil lately ay walang napapabalitang magkasama ang rumored sweethearts na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

May mga comment sila na baka may problema ang dalawa.

Baka raw may tampuhan.

Hahaha. Siyempre, hindi naman sila love team at magkaiba rin naman sila ng TV networks, kaya hindi naman imposible na hindi sila makitang magkasama palagi.

Pero ang ibang ArMaine fans naman, alam na ok na ok sina Arjo at Maine.

So, nothing to worry, huh! 

Jennylyn kandidata rin sa Darna

Isa nga pala si Maine sa non-ABS-CBN stars na botong-boto ang fans para sa Darna movie ng Star Cinema.

Sabi pa ng mga fan, kung si Alden Richards daw ay kinuha ng film outfit ng Kapamilya network, bakit hindi rin daw kunin si Maine ay siya ang pagbidahin sa Darna?

Well...

Another Kapuso stars na nito-root ng mga fan para magbida sa Darna ay si Jennylyn Mercado.

Ipinadala pa ng mga fan ang clip ng Anlene commercial ni Jennylyn kung saan maraming action scenes na ginawa ang aktres para patunayang bagay siya na mag-Darna!

In fairness, magaling nga sa martial arts ang Love You Two star at puwede nga talaga siya sa sobrang ligsi niya!

Feeling ko, puwedeng-puwede nga si Jennlyn lalo na at may movie contract din yata siya sa Star Cinema.

May movie siya with Richard Gutierrez at kung hindi pa naman masisimulan ang shooting nun ay puwede siyang ilagay muna sa Darna, huh!

Why not, mukhang bongga rin kung magiging Darna siya, huh!

‘Yun na!

JERICHO ROSALES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with