^

Pang Movies

Awra nakapagpa-graduate na ng ama!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Awra nakapagpa-graduate na ng ama!

‘Nakapagtapos’ ng ama ang Kapamilya young star na si Awra Briguela.

Sa kanyang IG post, ipinagmalaki niya ang graduation photos ng kanyang ama.

Congrats papa! So proud of you!! Sabi nga nila “its better than late, than never” Kaming lahat nang anak mo sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag aaral! I love you papa!! Congrats ulet!.” sabi ni Awra.

Hindi na masasabing child star si Awra dahil sa mga photo niya sa IG, nagdadalaga na siya.

Loveteam na nasa listahan ng mga durugista sa showbiz nanahimik na

Malamang nakakatulog na ng maayos ngayon ang magka-loveteam na sinasabing kasama sa Drug Watch List ng pamahalaan na hawak ng PDEA.

Hindi pa masyadong bongga ang career ng magka-loveteam na ito at kung natuloy ang sinasabing pagsisiwalat ng mga pangalan ng mga artistang kasama sa listahan ng mga nagdo-droga sa showbiz, malamang daw magbabu na ang magka-loveteam na hindi naman masyadong sikat.

Eh sinabi na nga ni Pres. Duterte na ‘wag ilalabas ang listahan na wala siyang verification.

Nauna nang sinabi ng PDEA na may pushers and users sa kanilang listahan ng celebrities.

Ayon pa sa ibang nakaalam sa listahan, meron pa rito ang tumulong diumano noon sa kampanya ng pangulo. Though baka naman inassume lang ‘yun nang nag-claim na nakakita.

Mga pelikulang tagalog na hindi tinatao sa mga sinehan mabilis mabenta sa mga steaming site

Inaasahang babawi ngayong Saturday, ang pelikulang Stranded and The Last Fool Show.

Kailangan pa ng ingay ng pelikula dahil hindi pa masyadong marami ang nanonood nito nang mapadaan kami sa mga sinehan sa isang mall.

Kailangan ng suporta ng mga pelikulang Tagalog para naman sipagin pa ang mga producer na gumawa ng pelikulang ipalalabas sa mga sinehan. Though parang ang priority nila ngayon ay mag-produce para sa mga streaming site.

Na kung hindi man kasi kumikita sa mga sinehan bumabawi naman sila sa pagbebenta sa Netflix like itong pelikula ni Cristine Reyes na Maria na binili na agad ng Netflix samantalang kapapalabas pa lang nito sa mga sinehan.

vuukle comment

AWRA BRIGUELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with