Julia Montes
Julia nanganak na raw talaga
TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 12, 2019 - 12:00am

Pero pictures na kasama ang baby fake ang dating

Peke ang kumakalat na pictures sa social media ni Julia Montes na may hawak na cute baby. Gawang-gawa ang reaction ng mga nakakakita.

Pero may ilan ngang nagkukumpirma na nanganak na nga diumano ang actress kasama na ang source ni Nay Cristy Fermin sa kanilang radio show kahapon sa Cristy Ferminute sa 92.3 FM.

Si Coco Martin ang tinuturong ama ng baby.

Walang nakakita na nabuntis si Julia though may ilan ngang nagsabi na umano’y tumaba ito at sabay pang nag-leave sa showbiz. Nagbiyahe pa sa Germany kaya mabilis na kumalat noong isang taon ang diumano’y pagdadalantao nga ito pero dito sa Pilipinas nanganak.

Panahon na nga siguro para lumantad si Julia kung may anak siya o wala at maging si Coco.

Blessing ang baby at kung hindi man sila kasal ni Coco, puwede namang soon to follow na lang ‘yun.

Or kung gusto naman nilang ilihim, ‘wag silang magkuwento o dedmahin na lang forever ang mga nag-uusisa.

Kris iniurong ang kaso sa dating manager

May ilang hindi naniniwala na mamahinga na si Kris Aquino sa social media.

Nagpaalam na kasi si Kris. Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nagsabi siyang break’ muna siya sa ‘career’ niya sa kasalukuyan.

Anyway, kahapon ay kumalat ang withdrawal ng kasong isinampa niya laban sa dating manager na si Nicko Falcis na qualified theft sa Mandaluyong.

Maalalang kinasuhan niya ang dating manager ng qualified theft sa iba’t ibang lugar matapos daw itong magwaldas sa hawak na credit card ng kanilang kumpanya.

Nauna nang nabasura ang mga kaso sa Makati and Taguig.

Well, baka nga this time ay gusto na ni Kris ng mapayapang buhay na malayo sa kaguluhan at ingay ng showbiz at social media.

Tutal naman mayaman siya, mas maigi ngang manahimik muna para ma-regain ang kanyang lakas.

JULIA MONTES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with