^

Mga pelikulang palabas sa katatapos na festival puro pintas ang inabot

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis (Pang-masa) - April 11, 2019 - 12:00am

Maraming pamimintas ang narinig ko sa mga pelikulang kasali sa katatapos na film festival.

May isang pelikula na umano’y parang walang take two ang mga eksena dahil pati ang naglalakad na parang napadaan lang sa shooting ay nakasama sa eksena.

May naririnig din daw sa background na tawanan.

Ang magaling lang daw sa nasabing pelikula, ang mismong bida. Pero ang quality ng production, nadismaya ang mga nakapanood.

Parang hindi raw ginastusan. Pero ayon sa isang may kilala sa producer, gumastos ang pelikula ng P7 million.

Meron pang isa na grabe naman daw ang hubaran na oo nga’t kasama naman daw sa kuwento pero hindi makakatulong para ma-engganyo ang maraming manonood na bumalik sa mga sinehan para magbayad ng sine na more than P200.

Sana raw kung talagang gusto ng ibang industry leaders na i-level up ang quality ng pelikulang Tagalog, magbigay naman sila ng totoong ‘quality films’ na maipagmamalaki natin.

Ayon pa sa isang nakapanood na, paano mo dadalhin ang ganung pelikula sa abroad? Ano na lang sasabihin ng foreign audience.

Oo nga raw at may ‘market’ ang mga ganung pelikula, pero iilan lang diumano ‘yun at tiyak hindi makakabawi ang mga producer ng ganung pelikula.

Bakit nga ba ganun?

Samantalang ang Korea and China, grabe ang mga production value. Nakakamangha. Epic ang mga quality at hindi mo iisipang series lang, talagang kakaiba.

Anyway, sana nga ay  maayos ito ng ibang taga-pelikula at maging mapanuri sa ginagawa nilang ‘quality films.’

FILM FESTIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with